top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dahil sa paglabag sa ECQ... 100 tserman, nabigyan ng show cause order

  • V. Reyes​
  • Apr 30, 2020
  • 1 min read

Tinatayang nasa 100 kapitan ng barangay ang nabigyan ng show cause order dahil sa kabiguang maipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, karamihan sa mga pasaway na tserman ng barangay ay mula sa Metro Manila.

"Sa barangay captains, umaabot ng mga 100. Mostly dito sa Metro Manila..." ayon kay Año. Maliban dito, nagpadala rin ng show cause order laban sa tatlong gobernador at limang alkalde sa buong bansa.

"Sa governor mayroon tayong napadalhan na tatlo pero noong nakapag-explain sila at nag-adjust na sila ng kanilang mga EO (executive order), okay naman. Sa mayors mga lima," dagdag ni Año.

Nauna nang ibinabala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maaaring maharap sa kasong administratibo o kriminal ang mga lokal na opisyal na hindi makasusunod sa mga panuntunan ng Republic Act No. 11469 or the Bayanihan to Heal as One Act.

"Ang Pangulo kaya niyang i-suspend kaagad o i-dismiss ang mayor... mayroon ding criminal charges na puwedeng isampa diyan dahil violation ng Bayanihan Act," babala ni Año.

Tiniyak pa ng kalihim na patuloy na tututukan ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang mga lokal na opisyal na mabibigong sumunod sa umiiral na protocols ng community quarantine sa harap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page