top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bahagi ng condo sa Makati, gumuho

  • BRT
  • Apr 30, 2020
  • 1 min read

Dalawa ang sugatan nang gumuho ang bahagi ng pader ng Jazz Residences sa Makati City.

Ayon sa Makati Traffic, naganap ang pagguho bago mag-alas-11:00 ng umaga.

Kaugnay nito, kinordonan na ang paligid ng pinagbagsakan ng bahagi ng naturang commercial-residential condominium. Kabilang ang harapan ng SM Jazz Mall sa Nicanor Garcia Street.

Batay sa inisyal na impormasyon, ang gumuho ay bahagi ng balcony ng isa sa mga unit sa Tower D ng Jazz Residences.

Samantala, pinalikas muna ang lahat ng nasa loob ng gusali para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Tatlong sasakyan naman nabagsakan ng mga debris.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page