top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

25 beybi nagpositibo sa COVID-19, 2 ang nasawi — DOH

  • Madel Moratillo​
  • Apr 30, 2020
  • 1 min read

Umabot na sa 25 ang bilang ng mga sanggol na nagpositibo sa COVID-19 dito sa bansa.

Ayon kay DOH Usec. Ma Rosario Vergeire, sa bilang na ito ay dalawa na ang naiulat na nasawi habang ang iba naman ay nakarekober.

Ang pinakabata aniya na naitala na positibo sa COVID-19 ay isang 9-day-old baby na mula sa Cebu.

Habang ang pinakabatang survivor naman ay ang 16-day-old baby na na-admit sa National Children's Hospital sa Quezon City.

Kaugnay nito, muli namang nilinaw ni Vergeire na wala pang ebidensiyang magpapatunay na nakukuha ng mga sanggol na ito ang virus mula sa kanilang ina.

Hindi rin aniya ito naililipat sa pamamagitan ng breastfeeding.

Maaari aniyang nakuha nila ang virus paglabas sa sinapupunan ng kanilang mga ina.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page