Tondo, isasailalim sa hard lockdown
- Mylene Alfonso
- Apr 29, 2020
- 1 min read

Ipatutupad ang 24 oras na hard lockdown sa Tondo area simula Mayo 3 hanggang 4.
Ito ang inihayag kahapon ni Manila Police District -Director PBGen. Rolando Miranda na magsisimula alas-5:00 ng madaling-araw ng Mayo 3 hanggang alas-5:00 ng madaling-araw ng Mayo 4.
Gayunman, posibleng gawin umano ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na dalawang araw ang hard lockdown.
Hindi naman nagbigay ng detalye si Miranda sa planong lockdown sa lugar ng Sta. Cruz, San Andres at Malate.
Una nang kinumpirma ni Domagoso ang ipatutupad na lockdown sa lugar ng Tondo.
Gayunman, exempted dito ang Divisoria market ngunit mahigpit pa ring babantayan ng mga awtoridad.
Sa panahon ng hard lockdown, suspendido ang quarantine pass at mga awtorisadong frontliner lamang ang papayagan na makalabas sa kalsada.
Maging ang mga commercial at industrial activities ay pansamantalang sususpindihin sa 24 oras na hard lockdown.
Una nang nagpatupad ng 48 hours na lockdown sa Sampaloc District noong Abril 23-25.





Comments