top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ivana, ka-level ni Liza, tanging 2 pinay na pasok sa most beautiful faces ngayong 2020

  • Ronalyn Seminiano Reonico
  • Apr 29, 2020
  • 3 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Sharon, mas hapi na pagkain at 'di bulaklak ang anniv gift sa kanya ni Kiko.

‘Katuwa ang ipinost ni Sharon Cuneta sa kanyang Twitter at Instagram accounts kung saan makikita ang picture nilang dalawa ng mister niyang si Sen. Kiko Pangilinan pero tila originally ay piktyur ng Crush Landing on You at in-edit lang pero ang astig ding tingnan.

May caption ang nasabing larawan na “‘I made a promise to her that as long as she’s in my sight, I will protect her no matter what.’ – Captain Ki.”

Sey naman ni Sharon, “Itong asawa ko, alam niyang si Hyun Bin ang labs ko ngayon kaya sa aming 24th wedding anniversary, ‘eto ang message niya sa akin! Hahahahahaha! Happy Anniversary, Sutart. I love you! And salamat po sa lahat ng bumati sa amin sa araw na ito! God bless us all!”

May ipinost pang piktyur ng chicharon bulaklak si Megastar at mababasa ang note mula kay Sen. Kiko na “To my dearest Sharon, happy 24th wedding anniversary, sweetheart! 24 years and counting, yahoo!! Thank you for sacrifice and commitment to our family life and marriage. God has been ever faithful to us! I love you dearly!

“P.S. Sorry but no flowers, only bulaklak!! Haha!!”

Natuwa naman si Sharon at aniya, “At dahil may ECQ, imbes na malaking bouquet ng bulaklak ang ibigay niya sa akin, CHICHARON BULAKLAK ang nakuha niya! Sabi ko ANG SAYA-SAYA KO! PINAKAGUSTO KONG BULAKLAK ITO SA LAHAT NG BULAKLAK NA IBINIGAY NIYA SA AKIN! Every year ito na lang sana! Hahahahahaha! Favorite ko ito bata pa ako, eh! Thank you for my FLOWERS Sutart! The BEST THIS YEAR! Hahahaha!”

♥♥♥

Juday at Ryan, nag-dinner date pa rin kahit may lockdown

Speaking of wedding anniversary, nag-celebrate rin sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ng kanilang 11th year bilang mag-asawa.

Nag-post si Juday ng family picture nila habang kumakain na tipong napaka-romantic tingnan ng setup ng paligid.

Caption ni Juday: “Yes!!!!! Nakakain kami sa labas… ng bahay! Happy 11th my love!”

Nakakatuwa naman ang post ni Ryan sa kanyang IG account na video nilang dalawa ni Juday na nasa beach.

Sa video, mapapanood na naghalikan sina Juday at Ryan at sey pa ng mister ng magaling na aktres, “Ay, mali pala ‘yung timing ng kiss. Isa pa, please?”

Simpleng “Onse!!!” lang ang caption ni Ryan sa video.

Comment naman ni Sharon Cuneta sa post ni Ryan, “Happy anniversary, dearest Bro and Sis ko! Next year God-willing ‘yung Europe na natin with all our kids, ha?! Ipon-ipon na rin kami! Hahaha! We love you very much, our family in Alabang! We miss you so much!”

Nakakaloka lang na kasunod ng komento ni Sharon ay ang anak naman niyang si KC Concepcion ang nag-comment.

Sey ni KC, “Sana all.”

Reply naman ng mga netizens kay KC, “Yours will come. Be specific when you pray.”

♥♥♥

Ivana, ka-level ni Liza, tanging 2 pinay na pasok sa most beautiful faces ngayong 2020

To the highest level na talaga ang kasikatan ngayon ni Ivana Alawi!

Makikita sa Instagram account ng TC Candler na muli silang naghahanap ng 100 Most Beautiful Faces ngayong 2020 at tanging dalawang Pinay actresses lamang ang nakapasok sa nominees at ‘yun ay walang iba kundi sina Liza Soberano at Ivana Alawi.

Kasama nina Liza at Ivana sa list ang dalawang Korean stars ng grupong Blackpink na sina Lisa Manoban at Rose, gayundin ang mga Hollywood stars na sina Gal Gadot, Emma Watson, Lily Collins, Selena Gomez, Kristen Stewart, at Taylor Swift.

Samantala, mukhang nanganganib na talaga si Nadine Lustre dahil bukod sa out na siya sa nominees ay pasok naman ang itinuturong dahilan ng breakup nila ni James Reid, ang Korean star na si Nancy Jewel McDonie.

Anyway, hindi makapaniwala si Ivana na makakapasok siya sa mga nominees ng most beautiful faces ngayong taon at aniya pa “Hala, sure kayo?” na tila shocked na shocked.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page