top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Babawi after mag-lockdown Sharon-Kiko, Juday-Ryan at mga anak, sa Europe magse-celebrate ng annivers

  • Julie Bonifacio
  • Apr 29, 2020
  • 4 min read

Sharon, super-hapi sa pasabog na regalo ni Sen. Kiko sa 24th wedding anniv nila

Pabonggahan ng wedding anniversary greetings ang tatlong sikat na celebrity couples sa kani-kanilang social media accounts yesterday.

We're referring to Megastar Sharon Cuneta and Sen. Francis "Kiko" Pangilinan, Ormoc City Congw. Lucy Torres and Mayor Richard "Goma" Gomez, and sina Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo.

Ang three celebrity couples ay pare-parehong nagpakasal sa petsang April 28.

Ikinasal sina Sharon at Sen. Kiko noong 1996. Two years after naman sina Mayor Goma at Congw. Lucy nu'ng 1998, habang noong 2009 naman sina Juday at Ryan.

Funny and sweet ang ipinost ni Sen. Kiko sa socmed account niya na anniversary gift niya kay Mega. And in fairness, pinag-isipan talaga ni Sen. Kiko kung ano ang magpapahalakhak nang todo kay Shawie.

Dahil knows niyang "lokang-loka" si Mega sa current crush nitong Korean actor na si Hyun Bin na gumanap bilang si Captain Ri sa sikat na Korean drama sa Netflix, may pa-theme na Crash Landing on You ang ginawa niyang pagbati sa kanyang "Mega-Sweetheart".

Ipina-Photoshop pa niya ang piktyur from Crash Landing on You at inilagay ang mga mukha nila ni Sharon sa mga bida ng K-drama.

Caption ni Sen. Kiko sa in-edit na picture nila ni Mega, "Happy 24th Wedding Anniversary, to my sweetheart! I love you dearly! hahaha..."

Sa ilalim nito ay naka-quote naman ang linya mula sa K-drama, "I made a promise to her that as long as she's in my sight, I will protect her no matter what."

Ipinost din ni Mega ang super sweet wedding anniversary message sa kanya ni Sen. Kiko sa kanyang Instagram account.

At eto ang caption: "Itong asawa ko, alam niya si Hyun Bin ang labs ko ngayon kaya sa aming 24th wedding anniversary eto ang message niya sa akin! Hahahahahaha! Happy Anniversary, Sutart. I love you! And salamat po sa lahat ng bumati sa amin sa araw na ito! God bless us all."

Pero bago 'yan, may pangalawang wedding anniversary greetings pa na ipinost si Sen. Kiko na nabasa namin sa kanyang Facebook account na may naka-post na picture ng chicharong bulaklak.

"Happy 24th Wedding Anniversary, Sweetheart! I love you dearly. At dahil walang mabiling bulaklak dahil sa lockdown, pasens'ya na at chicharon bulaklak na lang ang anniversary flowers natin this year. Hahaha!"

Winner na winner ang sense of humor ni Sen. Kiko para sa amin dahil d'yan. At maging kay Mega, winner din si Sen. Kiko sa kanyang chicharon bulaklak.

"Sabi ko ANG SAYA-SAYA KO! PINAKAGUSTO KONG BULAKLAK ITO SA LAHAT NG BULAKLAK NA IBINIGAY NIYA SA AKIN," caption ni Mega sa piktyur ng chicharong bulaklak na ibinigay sa kanya ni Sen. Kiko.

It only goes to show na knows na knows ni Sen. Kiko ang mga like na like at kiliti ni Mega.

Kaya nga wish ni Mega, sana raw 'yun na lang ang pabulaklak sa kanya ni Sen. Kiko taun-taon.

"Favorite ko ito bata pa ako, eh! Thank you for my FLOWERS Sutart! The BEST THIS YEAR! Hahahaha!"

Ivah din si Sen. Kiko, devah?!

♥♥♥

Goma, puno ang 22nd wedding anniv gift kay Lucy

Kakaiba rin naman ang regalo sa isa't isa nina Mayor Goma at Congw. Lucy sa kanilang 22nd anniversary na isinelebreyt nila sa kanilang bayan sa Ormoc City. Nagtanim sila ng puno ng Dita sa isa sa mga bundok sa Ormoc.

Kasama nina Goma at Lucy sa pagtatanim ng Dita tree ang kanilang unica hija na si Juliana Gomez. Ipinost din ni Mayor Goma ang ginawa nilang pagtatanim ng puno sa kanyang Instagram account.

Sey ni Mayor Goma, "It is an evergreen, just like my love for you @lucytgomez. Thank you for being my guiding light."

Habang si Lucy naman ay todo-effort din sa kanyang regalo for Mayor Goma na "fresh video" ng kanilang wedding.

"I watch this clip from our wedding and always, it is a beautiful walk down that time in our love story. Thank you for 22, my @richardgomezinstagram.

"You enter a room and you just bring the sunshine in. With you, everything is just better. Know that you are my love story, every bit of that magic I ever believed in," caption ni Lucy sa IG post niya na video ng wedding nila ni Goma.

♥♥♥

Babawi after mag-lockdown

Sharon-Kiko, Juday-Ryan at mga anak, sa Europe magse-celebrate ng anniversary next year

May pagka-dramatic naman ang video na ipinost ni Ryan Agoncillo sa kanyang Instagram account. May pagka-nature tripping din kaya lang, dagat naman ang background ng kanilang video ni Judy Ann Santos.

Sa simula ng video ay makikita ang dagat at may malakas na sound effects ng hangin. At unti-unti ay lumitaw ang mukha ni Ryan habang umiikot ang kamera at saka biglang nag-kiss ang mag-asawa.

Kaya lang, medyo sablay kasi natakpan ang "kissing scene" nila ni Juday. Pag-ikot kasi ng kamera ay sakto namang nasa likod ng mukha ni Juday tumama.

Natawa na lang sila at hirit ni Ryan, puwede raw bang ulitin ang kiss nila ni Juday?

Sa ibaba naman ng video ay may caption si Ryan na: "Onse!!!"

Sa dami ng mga kaibigan nila sa showbiz, ang daming bumati sa mag-asawa gaya na lang ni KC Concepcion na nag-post sa comment section ng: "Sana all."

Comment naman ni Bianca Gonzalez, "JasRy Forever!!! Happy anniversary lovebirds!!!"

Bumati rin kina Juday at Ryan sina Jericho Rosales, Michael V., Lyn Ching, Karen Davila, Pia Guanio, Ruby Rodriguez, Jason Abalos, Christopher Roxas at ang mag-asawang Sen. Kiko and Sharon.

Post ni Sharon, "Happy Anniversary dearest Bro and Sis ko! Next year God willing 'yung Europe natin, ha?!! With all our kids! Nag-iipon na rin! Hahaha! We love you!"

'Yun na!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page