Alden, todo-iwas tungkol sa gamer na si Bianca Yao
- Nitz Miralles
- Apr 29, 2020
- 4 min read
Nitz Miralles / Bida
Christopher, nag-donate ng plasma para sa mga COVID patients

Bago nag-donate ng kanyang plasma, nag-post muna si Christopher de Leon ng “Praise & Glory to our Lord GOD! My very last covid test is negative again! All my blood test results are normal. Now I can donate my plasma to whoever may need it. We have a faithful GOD! Praise be to our Lord GOD!”
Ang kasunod nito, ang pagpo-post ni Boyet ng photos habang nasa St. Luke’s Global siya at kinukunan ng plasma. Hawak nito ang bag ng plasma at sabi, “Glory to GOD! My Plasma.”
Sa IG post naman ng asawa niyang si Sandy Andolong, makikita si Boyet habang kinukunan ng plasma at ang caption ng aktres: “Done! Hubby donated his plasma this afternoon. Thank you to all his doctors & staff of St. Luke’s Global for your help & assistance. All honor & glory to GOD!”
♥♥♥
Alden, todo-iwas tungkol sa gamer na si Bianca Yao

Nag-enjoy ang mga fans ni Alden Richards sa kanyang pa-IG Live kung saan nakumusta at nakakuwentuhan niya ang kanyang mga fans.
Sa kuwarto niya sa bahay nila sa Nuvali sa Sta. Rosa, Laguna ang location ni Alden, kaya naka-white t-shirt at boxer shorts lang ito habang sinasagot ang mga tanong sa kanya.
Nakaw-eksena ang pimple ni Alden sa left cheek dahil siguro sa kapupuyat at inaming 4 AM na siya natulog bago ang IG Live niya. May special participation ang fur babies ni Alden na kasama niyang ipinakita. Ang asong si Pachuchie nga, pumasok pa sa bedroom ni Alden at hinalikan siya.
Itinour na rin ni Alden ang mga fans niya sa kanilang bahay at ipinakita ang Ironman collections niya at ang napakarami niyang white t-shirt na uniform na nga yata ng aktor.
Comfy clothes daw niya ang white t-shirt, kaya ang dami niya nito at may mga hindi pa raw nabubuksan.
Nabanggit ni Alden na hindi matutuloy sa July 25, 2020 ang major concert niya na gagawin sana sa Smart Araneta Coliseum dahil kahit ma-lift ang ECQ, bawal pa rin ang mass gathering. ‘Yun din ang sagot ni Alden sa nagtanong kung magre-resume siya ng taping ng All-Out Sundays at Centerstage ‘pag na-lift na ang ECQ.
Napansin lang na hindi niya sinagot ang mga tanong tungkol sa gamer na si Bianca Yao na nali-link sa kanya. Siguradong nabasa niya ang mga tanong gaya ng kung sila na ni Bianca, but Alden opted not to answer na mabuti na rin para walang isyu.
Katatapos lang ng IG Live ni Alden, marami na agad ang nagri-request na ulitin niya ang pakikipagkuwentuhan at pangungumusta sa kanyang mga supporters at wish ng fans, mas mahabang oras at kung puwede, sa gabi naman.
♥♥♥
Donasyon ng grupo ni Bea, umabot na sa Visayas
Nakarating na sa Leyte at Samar ang donations na medical equipment ng I Am Hope Charity Organization kung saan isa ang aktres na si Bea Alonzo sa mga nasa likod nito.
Ibinalita ni Bea na “@iamhope goes to VISAYAS.”
Itinag ni Bea ang St. Camillus Hospital (Calbayog, Samar), Leyte Provincial Hospital at Divine Word Hospital (Tacloban City) at maging ang Schistosomiasis Control and Research Hospital (Palo, Leyte) na tumanggap ng donations ng I Am Hope.
Tuloy pa rin ang pagluluto nina Bea ng food para sa mga frontliners at ang huling niluto nito na Bagoong Rice ay para sa mga frontliners ng National Institute of Health University of the Philippines-Manila (UP NIH).
“I’m starting to love cooking in big batches. May nahanap na yata akong bagong career,” post ni Bea.
♥♥♥
Unang TikTok video ni Jillian Ward, 3 million agad
Miss na miss na ng mga viewers ng Prima Donnas ang hit Afternoon Prime ng GMA-7 at ang cast nito na kinabibilangan nina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan, pati na si Elijah Alejo na gumaganap na kontrabida ng tatlo. May nag-comment nga na baka sa pagbabalik sa ere ng teleserye, dalaga na ang apat.
Ang ginagawa ng mga fans ng Prima Donnas, sa social media account na lang ng cast muna sila nakikibalita. Tuwang-tuwa sila sa balitang patok na rin sa Tiktok si Jillian kahit baguhan lang siya. Nauna sa Tiktok sina Sofia at Althea na million ang followers ng kani-kanyang Tiktok video.
Kaya nang i-upload ni Jillian ang first Tiktok niya na mapapanood siyang sumasayaw sa sikat na “Squeaky-Clean Challenge” mula sa song ni Sabby Sousa na Cream n’ Frosting, mabilis umabot sa more than 3M ang views nito. Wala pang one week ipinost ni Jillian ang first Tiktok niya, agad nang nagustuhan ng mga netizens.
Patunay lang ito na malakas ang karisma ni Jillian sa Filipino audience kahit sa labas ng TV screen. Mahal si Jillian ng mga fans, lalo na ‘yung nasubaybayan siya noong bata pa at in-introduce sa Trudis Liit. In fact, hanggang ngayon, may tumatawag pa ring Trudis Liit kay Jillian at naaalala pa rin nila ang ilang eksena niya. Tuwang-tuwa sila na nagdadalagang maganda, talented at mabait ang Kapuso young actress.





Comments