top of page

Katas ng kasoy, oks na pamalit sa mouthwash at gamot sa kulugo

  • Govinda Jeremaya
  • Apr 29, 2020
  • 1 min read

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

Bugtong, bugtong, isang prinsesa, nakaupo sa tasa. Ano pa nga ba, eh ‘di kasoy!

Dito sa Pilipinas, mas epektibo ang mga halamang gamot na noon pa ay subok na ng ating mga ninuno.

Tulad ng duhat, ang may isa pang mabisang pang-mouthwash at ito ay ang katas ng kasoy.

Hindi lang ‘yan ang nakamamangha sa kasoy dahil ito rin ay ginagamit na pantanggal ng kulugo.

Paano? Ang langis na gawa sa kasoy ay ipapahid sa kulugo at kahit gaano kalaki ito, sure na sure na ito ay mawawala.

Napakahusay din ng kasoy laban sa balakubak dahil talo pa nito ang numero-unong dandruff shampoo sa merkado dahil mahusay ang kasoy na pantanggal ng balakubak.

Narito pa ang ilan sa kakayahan ng kasoy:

  • Gamot din ito sa kati-kati sa balat, an-an at kalyo

  • Kapag ipinahid sa mukha ang katas ng kasoy, matatanggal ang taghiyawat, blackheads at iba pang marka na nagpapangit sa mukha ng mga dalaga at binata

  • Nakagugulat din ang powers ng kasoy dahil ang sugat na hindi gumagaling ay kayang-kaya nitong lunasan kaya nakilala ang kasoy na panlaban sa sugat na mula sa sipilis at ketong

  • Ang mga bulate sa tiyan na sanhi ng paglaki nito ay nalulunasan sa pagkain ng kasoy

  • Napakahusay din ng kasoy na panlaban sa mga mikrobyong sumisira sa kidney, liver at iba pang sakit sa digestive systems

Nakatutuwa ang kasoy dahil talaga namang siya ay maikukumpara sa magandang prinsesa kaya sa ating mga probinsya, ang kasoy ay tinatawag na prinsesa ng mga prutas dahil nagbibigay ito ang beauty o ganda ng isang prinsesa.

Good luck!

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page