top of page

Kasambahay na feeling malas sa boys kaya 'di magka-BF, makikilala na si Mr. Right sa 2021

  • Maestro Honorio Ong
  • Apr 29, 2020
  • 2 min read

Katanungan

  1. Tumanda na ako sa pagiging katulong at hanggang ngayon ay wala pa rin akong pag-asenso. Gusto ko na sanang mag-asawa para magbago naman ang takbo ng buhay ko, kaya lang, pinanghihinaan ako ng loob at parang walang lalaking nagseseryoso sa akin.

  2. Marami na akong naka-text noon at naging friend sa social media, pero wala namang nagtagal at lahat ay bigla na lang ding nawala. Minsan tuloy, iniisip ko na pangit ako, pero hindi naman po ako pangit.

  3. Gusto ko nang magka-boyfriend, makapag-asawa at makaahon sa pagiging katulong at magkaroon ng sarili pamilya. Matutupad kaya ang simpleng pangarap kong ito?

Kasagutan

  1. Makapag-aasawa ka at ‘pag nangyari ito, magsisimula nang magbago ang takbo ng buhay mo. Kasabay nito, magsisimula na ring umunlad ang iyong buhay hanggang sa tuluyan na ring makaahon sa pagiging katulong ay madali namang kinumpirma ng Guhit ng Lalaki (Drawing A. at B. K-K arrow b.) na sumabay at nagmamadaling sumama sa Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na sa sandaling nagka-boyfriend at nakapag-asawa ka, ‘yun din ang magiging simula upang unti-unti kang makaahon sa kahirapan, makatakas sa pagiging katulong hanggang sa tuluyang magkaroon ng maunlad at masayang pamilya na kinumpirma ng maayos, makapal at mahabang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

Mga Dapat Gawin

  1. Tandaan, hindi porke katulong ay wala nang pag-asang makaahon sa kahirapan, umunlad at makatikim ng kaginhawahan, sa halip, ang totoo ay nasa kani-kanyang kapalaran din ‘yan. Ang kapalarang ito ay ang laman ng iyong unconscious o hidden self. Sabi nga ng psychologist na si Carl Jung, kung ano ang inner self mo o ang nakatagong anyo ng tunay mong pagkatao, ‘yun din ang makakasalubong, mapapangasawa at magiging kapalaran mo.

  2. Walang iniwan sa malinaw na tubig sa batis kapag tumanaw ka rito at tinanong mo sa tubig kung sino ang mapapangasawa mo, hindi magagawang magsisinungaling ang mahiwagang batis na iyong kaharap, bagkus, ang sarili mong repleksyon ang iyong makikita. Ganundin ang buhay, kung ano ka, ‘yun din ang magiging kapalaran mo.

  3. Habang, ayon sa iyong mga datos, Erlinda, matatapos ang mga pagsubok na naranasan at ang nakaiinip na paghihintay at paghahanap ng makakasama sa buhay sa 2021, matatagpuan mo na ang lalaking halos katulad mo na matapat at masipag na empleyado, na nagtataglay ng zodiac sign na Aries. Sa edad mong 41 pataas, makapag-aasawa ka na hanggang sa tuluyang makaahon sa pagiging katulong at makabuo ng simple, pero masaya at maunlad na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page