top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nalunod at nagsisigaw, pahiwatig na may sakit sa puso o baga

  • Socrates Magnus
  • Apr 28, 2020
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Veron na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Nalulunod at sumisigaw ako, pero wala namang sumaklolo sa akin. Pagkagising ko ay parang totoo dahil hinihingal ako at parang hindi makahinga.

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Veron

Sa iyo Veron,

Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang buhay o kalusugan. Ipinapayo na magpatingin ka sa doktor mo dahil ang panaginip mo ay nagpapahiwatig na may sakit ka sa puso o baga.

Mas magandang maging maingat kaysa sa minamaliit ang mga bagay na nangyayari sa kanya.

Pagkatapos mong magpatingin at sinabi ng doktor na wala kang anumang sakit, ang panaginip mo ay nagsasabing sobra kang nabubuwisit sa isang tao dahil sinasakal ang kalayaan mo.

Simple lang naman ang solusyon at ito ay layuan mo siya at pagkatapos mong lumayo at nagbalik siya sa iyo at ayaw niya na wala ka sa buhay niya, ‘yun ang pagkakataon na masabi mo sa kanya ang mga ugali at kapintasan niya na ayaw mo.

Kaya huwag kang papayag na muling maging kayo hanggang sa hindi niya sinasabing siya ay magbabago na. Dapat ay maging matapang at matibay ka nang sa gayun ay hindi ka na masakal sa kanyang mga pangit na ugali at asal.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page