top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Metal Rabbit, super-lungkot at lito sa buhay kaya kailangan ng alalay

  • Maestro Honorio Ong
  • Apr 28, 2020
  • 3 min read

Bulgar Horoscope

Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa magiging kapalaran ng 12 animal signs ngayong Year of the Metal Rat.

Sa pagkakataong ito, ang tatalakayin natin ay ang ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Rabbit o Kuneho.

Kung ikaw ay isinilang noong 1915, 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011 at 2023, ikaw ay may Rabbit Personality.

Tandaang may limang klase ang Kuneho o Rabbit base sa taglay niyang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Wood Rabbit o Kunehong Kahoy - silang mga isinilang noong 1975

  • Water Rabbit o Kunehong Tubig - silang mga isinilang noong 1963

  • Metal Rabbit o Kunehong Bakal - silang mga isinilang noong 1951 at 2011

  • Earth Rabbit o ang Kunehong Lupa - silang mga isinilang noong 1939 at 1999

  • Fire Rabbit o ang Kunehong Apoy - silang mga isinilang noong 1927 at 1987

Noong nakaraang mga araw ay nabigyan natin ng interpretasyon ang magiging kapalaran ng Kunehong Kahoy o Wood Rabbit ganundin ang Kunehong Tubig o Water Rabbit.

Sa pagkakataong ito, ang tatalakayin naman natin ay ang Kunehong Bakal o Metal Rabbit na silang mga isinilang noong 1951 at 2011.

Ang Metal Rabbit na tinatawag ding Gold Rabbit na bagama’t sa mga unang buwan ng 2020 ay magkakaroon ng kakaibang lungkot at kalituhan sa buhay, ito ay pansamantala lamang. Ngunit dahil may mga pag-aalala at kagulumihanan ang bawat araw sa taong ito, mahalaga na siya ay may kakuwentuhan, kaibigan o mahal sa buhay na sa kanya ay aalalay.

Ibig sabihin, hindi inirerekomenda sa Metal Rabbit ang mapag-isa, sa halip, higit siyang susuwertehin at magtatamo ng magaganda at positibong kapalaran kung siya ay laging may alalay o kasama sa buhay.

Kaya ang kabilin-bilinan, kung ikaw ay may karelasyon o asawa, hindi ka dapat makipag-break. Sa halip, panatilihin o padamihin mo ang iyong koneksyon o kapareha upang lalo pang sumigla at lumakas ang iyong personal na suporta na magbibigay sa iyo ng dagdag na suwerte at magagandang kapalaran.

Tandaan ding kapag laging may kasama at may umaalalay sa Metal Rabbit, sa kalagitnaan ng taon, partikular sa mga buwan ng Mayo, Hunyo at Hulyo, unti-unti na muling bubulas at gaganda ang kapalaran ng Metal Rabbit sa career at sa pag-ibig.

Sa career, business at pampinansyal, sa kalagitnaan ng taon, tuluy-tuloy na gaganda pa rin ang iyong income, ngunit dapat pa ring iwasan ang wala sa lugar at walang kapararakang paggastos. Bagama’t may mga pera o salaping papasok sa kaban-yaman, kung hindi mo naman ito titipirin, ito ay mauubos agad. Kaya ang pagtitipid at savings ay sadyang napakalahaga para sa isang Metal Rabbit.

Habang pumapasok sa susunod pang mga buwan, sa ikatlo hanggang huling hati ng taon, gaganda ang kapalaran ng Metal Rabbit, partikular sa aspetong pampinansyal at pag-ibig.

Upang magtuluy-tuloy ang suwerte at magagandang kapalaran, dapat ding panatilihin ang pagpapalakas sa sarili, tulad ng regular na ehersisyo, pagkain ng masustansiyang pagkain, mas mainam din kung matutulog nang maaga at iiwas sa pagpupuyat. Sa ganyang lifestyle, kumbaga, kapag umiwas stress at nagpokus sa pag-iingat ng kalusugan, may pangako na marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang iyong tatamasahin sa mga huling buwan ng 2020.

Samantala, upang lalo pang matiyak ang suwerte at magandang kapalaran sa aspetong pangkabuhayan, mas mainam kung ang Metal Rabbit ay laging magdadala sa kanilang bulsa o magsusuot ng mga bagay na yari sa metal, tulad ng gold o silver na alahas. Sa taong ito, mapalad din sila sa mga numerong 3, 4 at 6, higit lalo sa mga petsang 26, 27 at 29 sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Oktubre, lalo na kung pananatilihin ang paggamit ng kulay na berde, lilac, rosas, maroon at pula.

Itutuloy

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page