top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Imelda, tinawag na traydor ng bashers, kumanta na kung bakit nakipag-deal sa mga Chinese

  • Erlinda Rapadas
  • Apr 28, 2020
  • 4 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Marlon, no match sa bagong BG ni Pia na may narating sa buhay

Kung ang malalapit na kaibigan ni Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach ang tatanungin, mas pabor sila sa bagong guy ngayon na nagpapasaya sa mundo ni Queen P.. Ito ay si Jeremy Jauncey na isang Scottish rugby player sa New Zealand at Bench model din.

Si Jeremy din ang founder ng Beautiful Destinations at travel editor-at-large ng Asia Tatler.

Madalas silang nagkikita noon ni Pia sa New York. Deserving daw si Jeremy na makapalit ng car racer na si Marlon Stockinger sa puso ni Pia. Malaking bentahe ni Pia ang kanyang pagiging Ms. Universe 2015. Mas lumalawak ang kanyang mundong iniikutan at nagkakaroon ng chance na makilala ng mga guys na may mga narating sa buhay.

Deserve ni Pia ang isang lalaking higit pa sa katangian sa ex-boyfriend niyang si Marlon. Kahit na pulitiko, diplomat, millionaire businessman ay babagay na maging life partner niya. And it seems hindi sapat lang kay Pia ang isang guwapo at machong boyfriend. Kailangan ang isang lalaking kaya siyang bigyan ng stable at maginhawang buhay.

♥♥♥

Sharon, tapos na ang problema sa pera kaya todo-donate na nang milyones

May ilang netizens ang nagtatanong kung okay na ang finances ngayon ni Megastar Sharon Cuneta dahil nakakapag-donate na siya ng milyones sa mga fundraising projects ng ilang kaibigang artista para sa mga health workers at frontliners.

Sa UniTent lamang ni Angel Locsin, P3 M cash ang nai-donate ni Mega at sa 50th birthday online concert ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ay P1 M naman ang kanyang naiambag.

Bukod pa rito ang personal niyang naitulong sa mga nangangailangan ng ayuda at relief goods sa mga depressed areas.

Ibig lang sabihin nito, financially stable na ulit si Sharon at hindi na namomroblema sa pera.

Matatandaang last year, 2019, ay may mga emote at hugot si Megastar tungkol sa napakalaking problema niya sa pananalapi. May malaki raw siyang pagkakautang at wala siyang malapitan (not even her husband Sen. Kiko Pangilinan) upang saklolohan siya sa kanyang problemang pinansiyal.

Nasabayan pa ito ng kanyang problema sa mga mamahaling alahas niya na kanyang ipinagkatiwala sa isang trusted friend. Niloko lang siya ng taong 'yun kaya halos gusto nang magpakamatay ni Shawie noon sa sobrang sama ng loob.

It's good na nakabawi na ngayon si Mega at nagkabati na rin sila ng anak niyang si KC Concepcion.

♥♥♥

Imelda, tinawag na traydor ng bashers, kumanta na kung bakit nakipag-deal sa mga Chinese

Nalagay sa isang mahirap na sitwasyon ang Jukebox Queen at vice-governor ng Camarines Sur na si Imelda Papin nang dahil lang sa pagpayag niyang makasama sa music video ng Iisang Dagat kung saan mga Chinese singers ang kasama niya.

Tinawagan daw siya ng Chinese na nag-compose ng kanta at pinakiusapang i-interpret ang cue line sa Tagalog portion. Nagandahan naman sa lyrics ng kanta si Papin dahil nga tungkol ito sa pagkakaisa at pagtulong at paglaban sa hinaharap nating problema kaya wala siyang malisya nang tanggapin ang offer. Besides, wala siyang tinanggap na kabayaran o talent fee sa kanyang ginawa.

Huli na nang nalaman ni Imelda na maraming nagalit at nag-react sa kanyang pagtanggap na maging bahagi ng music video. Naba-bash tuloy siya ngayon at tinatawag na traydor.

Pinalagan ni Papin ang pagtawag sa kanya ng traydor. Kailanman ay hindi niya magagawang magtraydor sa ating bansa. Kahit papaano ay nakapagbigay naman siya ng karangalan dahil sa kanyang mga pinasikat na awit.

Hindi alam ni Papin kung Chinese propaganda ang music video na Iisang Dagat at hindi rin siya aware na nagsampa ang 'Pinas ng dalawang diplomatic protest against China.

Nagawa man niyang tanggapin na maging bahagi ng nasabing music video, 'yun ay dahil isa siyang artist. Sana raw, maintindihan ito ng mga haters/bashers.

♥♥♥

Robin, todo-tulong noon, tahimik ngayong may COVID-19

Alam ng lahat na matulungin si Robin Padilla. Hindi lang niya ipinag-iingay at ipino-post sa social media ang mga natulungan niyang sektor kapag may mga kalamidad na dumarating tulad ng baha, lindol, bagyo at volcanic eruptions.

At ngayon na ang halos lahat ay kumikilos at tumutulong para sa pagsugpo sa COVID-19, ini-expect ng marami na isa si Binoe sa mga mangunguna sa fundraisings at pagdamay sa mga taong naapektuhan ng COVID-19.

Ang kakulangan ng medical kits, PPE, face masks, alcohol, atbp. sa mga ospital ang tinutukan ng mas nakakaraming donors and sponsors. Ang iba naman ay food packs at relief goods ang ipinamahagi.

Maraming celebrities ang gumawa at nagpasimuno ng kani-kanilang fundraising campaign. Maging ang mga networks — GMA-7 at ABS-CBN — ay kumilos din at nagpaabot ng mga ayuda sa mga taong naapektuhan ng total lockdown dahil sa COVID-19.

Waiting ang mga fans and supporters ni Robin kung namahagi rin ba siya ng tulong tulad ng iba niyang kapwa artista.

But one thing is sure, kapag ang media ang nangailangan ng tulong ni Binoe, especially 'yung may mga sakit na reporters, agad na tumutulong ang aktor. Tulad ng ginawa niya sa mga veteran writers na sina Manay Letty Celi Reyes at Nene Riego (SLN). Silent worker si Binoe.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page