True kaya ito? Hmm... Mall hours, magiging 24/7!
- Sr. Socrates Magnus II
- Apr 27, 2020
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang ilang kaalaman tungkol sa darating na mga pagbabago pagkatapos ng COVID-19.
Kapag panatag na ang lahat o kapag wala na ang COVID-19, maraming pagbabago ang makikitang isinasabuhay ng tao.
Bilang karagdagan sa mga nabanggit na natin sa nakaraang isyu, narito pa ang ilan:
Halos kalahati na lang ng bus ang mapupuno dahil bawal na ang magkatabi sa upuan.
Kaya hindi lang sa mga tao ang magkakaroon ng pagbabago kundi pati na rin sa pampublikong transportasyon kung saan ang mga may-ari ng bus companies ay magpapagawa ng espesyal na disenyo ng bus kung saan walang katabi ang bawat pasahero. Ganundin ang halos lahat ng mass transport na kailangan i-redesign ang mga sasakyan para makasabay sa mga pagbabago.
Mauuso na rin ang mga mas transport na walang kundoktor kaya ang mga pasahero ay gagamit na lang ng card bilang pambayad sa pampublikong sasakyan. Gayundin, ang driver ay makikitang nasa isang parang mirror box na ang layunin ay huwag magkaroon ng contact sa mga pasahero. Ito rin ay gagawin ng mga kapulisan kaya pag-iibayuhin ang mga camera sa mga kalye at highway para sa mga lalabag sa batas-trapiko.
Samantala, sa mga tindahan tulad ng sari-sari store o groceries, ang mga cashier ay nasa loob din ng mirror box.
Ang mga mall ay magpapatupad ng social distancing kaya magkakaroon ng mahabang pila sa pagpasok sa entrance ng mga mall. Dahil dito, para maiwasan ang mahabang pila, ang mga mall ay magiging bukas 24/7.
Gayunman, kahit hindi gusto ng Department of Health (DOH) ang misting or spraying sa mga tao, ito pa rin ay gagawin dahil ang totoo, normal lang ito sa mga big business production ng poultry at hog raising kung saan paliliguan muna ang lahat ng papasok sa area.
Kapag ito ay hindi ginawa ng mga nasabing industriya dahil hindi gusto ng DOH, mas malamang na magkaroon ng problema ang Pilipinas dahil sure na sure na wala nang mga domestic na manok, baka, baboy at iba pa sa merkado.
Kung mag-iimport naman ang Pilipinas, hindi rin puwede kung ipipilit ng DOH ang kanilang gusto dahil ang meat supplies industry ay regular na gumagamit ng misting at spraying.
Itutuloy




Comments