Pagbabalik ng mass transportation, pinaplantsa na — P-Duterte
- Mylene Alfonso
- Apr 27, 2020
- 1 min read

Ipinabatid ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga residente sa lugar na sasailalim sa general quarantine na pinaplantsa na ang pagbabalik ng mass transportation.
“Itong sa transportation that would allow movement sa mga tao in areas under general community quarantine. Pero maghintay kayo sa final orders kasi pinaplantsa pa namin ito,” ayon kay P-Duterte.
Matatandaang una nang napaulat na posibleng hindi pa makabiyahe ang mga pampasaherong jeep sa mga lugar na isinailalim sa GCQ simula Mayo 1. Bagama't puwede naman ang mga pampasaherong bus kung saan maipatutupad ang mahigpit na social distancing.





Comments