top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga patay na, nakatanggap pa rin ng cash assistance — DSWD

  • Mylene Alfonso​
  • Apr 27, 2020
  • 2 min read

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may mga patay na ngunit nakatanggap pa rin ng Social Amelioration Program (SAP) sa gitna ng krisis sa Coronavirus Disease 2019.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista na ilan lamang ito sa maraming mga reklamong nakakarating sa kanilang tanggapan kaugnay sa pagbibigay ng ayuda ng pamahalaan sa mga nangangailangan.

Ayon sa kalihim, dahil sa pamemeke nagagawa ng mga mapagsamantala na makakubra ng SAP financial assistance mula sa gobyerno.

Giit ni Bautista na dapat isauli ang nakubrang pera hindi lang ng mga mapagsamantalang gumamit ng patay para lang makakolekta kundi pati na ng iba pang hindi eligible o kuwalipikadong tumanggap ng SAP financial assistance.

Bunsod nito, nagbabala si Bautista na posibleng maharap hindi lang sa kasong administratibo kundi higit sa lahat ay sa kasong kriminal ang mga nakatanggap ng naturang ayuda sa pamamagitan ng pandaraya.

"Tama ka doon, mayroon tayo noon. In fact, doon sa omnibus guideline natin at kaugnay nito iyong MOA na inano natin sa ating mga lokal na pamahalaan, ang mangyayari po d'yan ay kapag napatunayan po ang isang benepisyaryo na ineligible pero dinaya po niya o ginawan niya po ng paraan para siya ay makatanggap ng ayuda, ang nagiging hakbang po doon ay kapag napag-alaman ng DILG o ng DSWD, ang una po d'yan ay kailangan po ibalik niya ang amount na natanggap," paliwanag ni Bautista.

"At doon naman po sa mga sinasabi nating patay na nakatanggap pa, ang proseso po doon ay idinudulog po iyon sa ating mga Local and Social Welfare Development Offices. Iba-validate po iyon kapag nakarating po iyon sa DSWD, sa pagsusuri ay kung sino man po iyong nakatanggap na iyon o nameke ay mayroon po siyang responsibilidad na isauli ang pera at maaari rin po siyang makasuhan ng administratibo or criminal liability. Ito po ay sa koordinasyon ng DILG," wika pa ng opisyal.

Sa kabila nito, marami rin aniya na benepisyaryo ang kusang-loob na nagsasauli ng pera dahil nakatanggap na sila sa ibang ahensiya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page