top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sahod ni Mayor Tiangco hanggang matapos ang termino, ido-donate sa mga 'di pasok sa SAP

  • BRT
  • Apr 26, 2020
  • 1 min read

Photo: facebook @Mayor Toby Tiangco

Ido-donate ni Mayor Toby Tiangco ang kanyang buong sahod simula sa April 2020 hanggang sa matapos ang kanyang termino sa June 2022.

Ayon sa alkalde, kahit hindi pa natatanggap, ilalaan ang buong halaga nito para ibigay sa mga residente sa Navotas City na hindi nakatanggap ng cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Pina-compute ng alkalde ang buong malilikom na donasyon at aabot ito sa P3,291,809.76.

Sinabi pa ni Tiangco na ipauubaya niya sa Navotas CSWDO ang pagpili ng mga mabibigyan at halaga ng ibibigay.

“Hindi po gusto ng CSWDO na mamili. Sa tingin ko walang matinong tao ang gugustuhin ang responsibilidad na ito, gayong alam naman natin na hindi lahat ay mabibigyan. Ang pakiusap ko lang, ‘wag tayong magalit sa kanila kung hindi tayo mapipili. Mahirap po talaga itong gawin,” pahayag pa ng alkalde.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page