top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pahiwatig na dapat agapan ang pagkabagot para ‘di mauwi sa depresyon

  • Socrates Magnus
  • Apr 26, 2020
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Carmen Rabago na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng panaginip na nakasakay ako sa bus?

Naghihintay,

Carmen

Sa iyo Carmen,

Ang panaginip na nakasakay sa bus ay napapanaginipan ng tao na kailangan nang lumayo muna, as in, siya ay dapat maglakbay. Ito ay sa dahil ang pagkabagot ay maaaring hindi na niya makayanan.

Hindi mo ito magagawa ngayon dahil sa panganib ng COVID-19, pero sa sandaling mawala na ang banta ng pagkakasakit, ang unang gawin mo ang napanaginipan mo na sumakay ka ng bus.

Saan ka naman pupunta? Una sa listahan ng lugar na pupuntahan mo ay ang inyong probinsiya dahil ang mga taong nakauuwi sa kanilang probinsya ay makikitang nanariwa ang lakas at sigla. Puwede ka ring pumunta sa isang kakilala mo na noon pa man ay iniimbita ka na pumunta sa kanila. Maganda rin ito dahil sa pupuntahan mo, magkakaroon ka ng bagong pananaw sa buhay.

Puwede ka ring mamasyal sa mga magagandang tourist spots dahil ito rin ay magbibigay sa iyo ng kakaibang sigla at saya. Ang puwedeng-puwede ay ang kahit wala kang pupuntahan, sumunod ka sa utos ng iyong panaginip na sumakay ng bus. Sumakay ka at magbayad ng ticket hanggang sa destinasyon ng bus at pagdating doon ay magbayad ka pauwi.

Nakatutuwa, ‘di ba? Gawin mo ito dahil kapag hindi naagapan ang pagkabagot ay mauuwi ito sa depresyon kung saan ang sobrang lungkot ay itinuturing nang karamdaman na mahirap lunasan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo Del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page