Magsasaka, nilikida ng gunman
- BRT
- Apr 26, 2020
- 1 min read
Abra—Patay ang isang magsasaka nang barilin ng isang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Velasco, Tayum.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Alejandro Padagas, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat ng pulisya, nakaupo umano sa labas ng kanilang bahay si Padagas nang biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na ang biktima.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.





Comments