top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Insidente ng cybercrime sa gitna ng ECQ, umakyat ng 100%

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 26, 2020
  • 1 min read

Sa mahigit isang buwang pagpapatupad ng enhanced community quarantine, batid nating hindi lamang kabataan ang madalas babad ngayon sa internet kundi maging ang mga empleyado na sakop ng work-from-home, gayundin, ang ilang negosyo na internet ang kinakapitan para makapagpatuloy sa kanilang operasyon.

Kaugnay nito ay inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) – Cybercrime Division chief Victor Lorenzo, na tumaas ng 100% ang naitatalang cybercrime incidents sa buong bansa.

Aniya, numero-uno sa kanilang mga nakukuhang reklamo ay phishing kung saan nagpapanggap ang mga cybercriminals bilang mga financial institutions at hinihingan nila ng personal na pagkakakilanlan o personal information ang mga tao online.

Maliban sa phishing, ang paggamit o pag-access sa mga kahina-hinalang websites ang ikalawang pinakakaraniwang cybercrime ngayong may ECQ.

Payo nito sa mga biktima na i-report ang mga ganitong insidente sa Philippine National Police (PNP) at sa NBI para sa kaukulang dokumentasyon.

Ang pagnanakaw ng mga personal identity o anumang modus sa internet ay matagal ng perhuwisyo, ngunit dahil mas maraming gumagamit nito sa panahon ngayon, hindi nakapagtatakang mas naglipana rin ang mga mapagsamantala.

Kaya mag-ingat at maging responsableng internet user, ‘wag magpabiktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page