top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Abril 26, 2020 (Linggo)

  • Maestro Honorio Ong
  • Apr 26, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Abril 26, 2020 (Linggo): Tinitiyak ng iyong kapalaran na ikaw ay yayaman at mas mayaman pa kaysa sa mga taong umapi sa iyo na minaliit at hinamak ka.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka maaapektuhan ng kawalang pag-asa dahil noon pa man ay alam na alam mo na kung ano ang gagawin mo pagkatapos ng pananatili sa bahay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lahat ng lungkot at sama ng loob mo ay mapapalitan ng ligaya at tuwa pagkatapos ng mahabang mga araw ng pananatili sa bahay. Ito ang naging pasya ng langit sa kahilingan mo. Masuwerteng kulay-violet.

GEMINI (May 21-June 20) - Inip na inip ka na pero ang mga suwerteng naghihintay sa iyo pagkatapos ng kawalan ng kalayaan ay masayang nag-aabang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka maiiwanan at aabante ang iyong buhay kapag pinalaya na ang mga tao. Ito ang nakikitang mangyayari sa iyo dahil ang mga bituin ng kasaganaan ay tatanglaw sa iyo. Masuwerteng kulay-red.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kumukupas ang ganda ng mga bulaklak at ikaw din ay kukupas pero bago mangyari ito, makikitang nag-uumapaw ang kaban ng iyong yaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Wala ka namang magagawa kung aangal ka dahil sa nadagdagan ang mga araw ng paghihirap. Pero may magagawa ka para mapanatag ang kalooban ng mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-white.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pagkabalik sa normal ng lahat, ikaw ay makikitang nagbibigay ng inspirasyon sa mga sobrang naapektuhan ng pagdurusa. Dahil sa iyo, marami ang magkakaroon ng lakas ng loob. Masuwerteng kulay-green.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipunin mo na ang magagandang ideya na naisip mo habang hindi ka makalabas ngayon. Gamitin mo ang mga ito kapag nakalaya na ang mga tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tinitingala ka ng marami kaya hindi puwede na makikita kang nagiging negatibo sa araw na ito. Mas magandang panatilihin ang dating porma mo na hinangaan nila. Masuwerteng kulay-purple.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nag-uumapaw ang hangarin mong umansenso dahil sa naranasan mong hirap at pasakit sa mga araw na ikaw ay hindi makakilos. Pagkatapos ng lahat, mabilis kang yayaman. Masuwerteng kulay-pink.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahalin mo ang sarili mo bago mo mahalin ang ibang tao. Dapat mo ring malaman ang sinasabing ibang tao muna ang nakasama ng mga nakarelasyon mo bago ikaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magsakripisyo ka para sa taong handa kang ipaglaban at tulungan sa panahon ng iyong kagipitan. Ang iba pang klase ng tao ay hindi kailangan ang sakripisyo mo. Masuwerteng kulay-blue.

![endif]--![endif]--

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page