top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Daniel, kumantang beach wedding ang gusto nila ni Kathryn

  • Julie Bonifacio
  • Apr 26, 2020
  • 4 min read

Masayang sinalubong ng pamilya ni Daniel Padilla ang kanyang kaarawan last night. Today (April26) ang mismong araw ng birthday ni Daniel. At dahil nasa extended community quarantine ang Metro Manila kaya sa bahay lang nag-celebrate ng birthday si Daniel with his family.

Kasunod nito ang pag-post ni Momshie Karla sa Instagram account niya ng pagbati para kay Daniel.

"Maligayang kaarawan anak! Hindi ko napanood kagabi ang concert ni Ate Regine dahil sinalubong natin ang birthday mo kaya sa utube ko panonoorin mamaya!" panimulang pagbati ni Karla.

Ang tinutukoy ni Momshie Karla ay ang fundraising concert online ni Asia's Songbird Regine Velasquez para sa Bantay Bata Foundation kaugnay ng kanyang 50th birthday kagabi.

Pagpapatuloy ng mensahe ni Karla, "Ganon pa man ay nairaos natin ng maligaya at matiwasay ang Bday salubong mo anak, kasama ang isang masaya at malaking angkan na meron tayo. You are a Blessing to all of us. you are a gift from heaven and our biggest joy. You’re the first boy who stole my teenage heart. No matter where you go, no matter how old you are .. You will always be my loving Son. My Hero and My Superstar. GOD BLESS YOU AND YOUR BEAUTIFUL SOUL. WE ALL GOT YOUR BACK! WE LOVE YOU!"

Last Friday, nagkaroon din ng birthday treat for Daniel ang mga momshies ng Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Karla Estrada.

Pinapurihan ng mga momshies si Daniel sa pagtulong na ginagawa niya ngayong may covid-19 pandemic.

"Siguro, ano po, nakalakihan ko na rin na makita si Mama (Karla) sa pagiging generous po. Siguro, kasama rin 'yung alam din namin 'yung pakiramdam na kailangan mo. Alam namin 'yun dahil siyempre kasi, nanggaling din kami ru'n. Nararamdaman din namin 'yun. Kailangan din na may tumulong sa amin o kay Mama, sa kamag-anak ni Mama.

"And, 'yun naman 'yung siguro 'yung pagmamahal mo rin sa kapwa mo. You have to share what you have now. Dahil dati, nu'ng wala kami, ay, naku! Ang layo.

"So, now na mayroon, mas malaki pa ang maitutulong mo. Nu'ng panahong wala kami, si Mama, kahit wala na kaming pamalengke, ibibigay pa niya roon sa simbahan 'yun. Ganoon siya."

At siyempre, 'di puwedeng hindi matanong si Daniel ng mga momshies ng Magandang Buhay tungkol kay Kathryn Bernardo.

Tanong ng mga momshies, ano ba ang sikreto ng matatag na relasyon nina DJ at Kathryn?

"I think isa sa pinakaimportante 'yung marespeto kayo sa isa't isa. 'Yun nga, eh, wala talagang perfect na relationship. Kaya kapag nagkakaproblema, siguro 'yun… dahil lagi naming pinipili... to stay, which is to stay every time," pahayag ni Daniel.

Kapag nagkakaproblema raw sila ni Kathryn, lagi niyang binabalikan lahat ng mga bagay na ginawa ng aktres para sa kanya.

"Hindi lang 'yung nangyayaring problema ngayon. I always look back doon sa mga kung paano binago ni Kathryn ang buhay ko at may mga bagay na naitulong ko sa kanya, at sino ba siya bilang… you know, my partner in life. So, laging ganoon ako."

Feeling daw ni Daniel, nagko-complement sila ni Kathryn sa isa't isa dahil inirerespeto nila ang desisyon ng bawat isa.

"It's a give and take. Give and take ang isang relationship. 'Yun siguro 'yun."

Hirit naman ni Momshie Karla sa sinabi ni Daniel, "You know, I will follow that. Hahaha!"

Of course, knows naman ng marami na happy si Karla sa kanyang karelasyon ngayon na si Jam Ignacio na nakasama rin nilang mag-celebrate ng birthday ni Daniel sa bahay nila.

Inusisa naman ni Momshie Melai kung ano ang dream wedding nila ni Kathryn.

"Dream wedding? Haha! Naku, nanliligaw pa lang ata ako kay Kathryn, naitanong ko na 'yan. Uh, ang dream wedding naman talaga naming pareho ay beach wedding. Ayan. I think, it's important na alam mo 'yung mga ganoong bagay sa buhay niya, siyempre, 'di ba?"

Ini-reveal naman ni Daniel na isa sa mga hilig nila ni Kathryn ay tumingin ng mga bahay.

Kaya nagtanong si Momshie Jolina kay Daniel kung 'yung lote na nabili ni Kathryn for her family ay para rin sa kanilang dalawa.

"Hahaha... hindi, ate. Sa kanya 'yun, sa family niya. Regalo niya 'yun sa pamilya niya. Hintayin natin," sabay tawa ulit ni Daniel.

'Yun na.

♥♥♥

Sharon, nag-donate ng P1 Million sa fundraising concert ni Regine

Speaking of Regine Velasquez, successful ang kanyang fundraising event para sa Bantay Bata Foundation last Saturday. Nakalikom ng mahigit P4 million na donasyon ang kanyang fundraising concert online.

Tuwang-tuwa naman si Regine when she found out na nag-donate sa fundraising event niya si Megastar Sharon Cuneta ng tumataginting na isang milyong piso.

Prior to this, proud na ipinost din ni Angel Locsin na nag-donate si Mega ng P3 million sa kanyang fundraising project which aims na makapagpatayo ng maraming tents para sa mga health workers sa iba't ibang hospitals.

Bukod pa d'yan, tinulungan din ni Mega ang mga nakulong na Pinoy pagkatapos mag-rally sa Kyusi sa kabila ng ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Mahigit P300K ang ibinayad ni Mega na pampiyansa sa mga nahuling nagra-rally sa Kyusi kamakailan. This happened after her daughter Frankie Pangilinan, her baby No. 2, offered help na sagutin ang piyansa ng isa sa mga nahuli.

Ilan pa lang 'yan sa mga nabalitang tulong ni Mega. Hindi natin alam, baka may iba pang mga nagpa-fundraising d'yan ang binigyan ni Mega ng financial help.

Hindi kami magugulat kung umabot man sa mahigit P10 million ang perang nai-donate ni Sharon ngayong may COVID-19 pandemic.

Iba rin talaga si Mega, eh!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page