Ronnie, kinabahan nang magpa-COVID test
- Nitz Miralles
- Apr 25, 2020
- 3 min read
Nitz Miralles / Bida
Gabby, mala-wolverine na sa tagal ng lockdown
Ang haba na ng buhok ni Gabby Concepcion at pati balbas nito, mahaba na rin at may kasama pang puting buhok.
Stranded sa beach property niya sa Lobo, Batangas si Gabby, hindi makaluwas ng Manila dahil bawal bumiyahe.
Mapapansin lang na wala pa ring uban ang aktor, sa balbas at bigote niya lumabas ang puting buhok.
Sa nagtanong kung kailan siya magpapagupit, ang sagot ni Gabby, kapag na-lift na raw ang ECQ at sa May 15 pa ‘yun. Kapag hindi pa bumaba ang numbers ng infected ng Covid-19, baka ma-extend pa ang ECQ at mae-extend din ang pagpapagupit at pag-aahit ng balbas at bigote ni Gabby.
Sabagay, hindi pa naman nagte-taping si Gabby ng First Yaya nila ni Marian Rivera, kaya magpaka-Wolverine muna siya. Ito ang tawag sa kanya ng mga netizens na nakakita sa hitsura niya ngayon na mahaba ang buhok, may bigote at balbas.
Isa pa palang napansin ng mga followers ni Gabby sa socmed ay ang husay niya sa Spanish. May mga fans from Ecuador na mine-message siya in Spanish na sinasagot niya in Spanish din.
Ipinalabas yata sa Ecuador ang Ika-6 na Utos at hanggang ngayon, nagme-message pa rin ang mga taga-Ecuador kay Gabby.
♥♥♥
Ronnie, kinabahan nang magpa-COVID test

Kabilang ang singer-actor na si Ronnie Liang sa mga frontliners dahil bilang Philippine Army reservist, nagdyu-duty siya sa checkpoint ng Valenzuela City. Maraming tao ang araw-araw na nakakasalamuha ni Ronnie, kaya kinailangan niyang magpa-Covid-19 test na ginawa noong isang araw sa Army General Hospital sa Fort Bonifacio.
“As an army reservist and frontliner, I am always exposed to any possible virus around. As mandated, I submitted myself to a rapid test. Thank God, the result is Negative. It helps to keep healthy, well hydrated and always keeping a safe distance when outside.
"I urge everyone to stay at home and follow physical distancing when running errands for the household. Stay healthy for our loved ones.”
Sa video na kanyang in-upload, inamin ni Ronnie na kinakabahan siya bago gawin ang rapid test, pero nang sabihing negative ang result, nagpasalamat sa Diyos ang singer.
♥♥♥
Via Zoom App na lang nagkaroon ng reunion ang first batch ng PBB Teens na kinabibilangan nina Gerald Anderson at Kim Chiu. Sabi ng mga netizens, okay naman ang mag-ex na sina Gerald at Kim, kaya baka puwede raw na muli silang magtambal sa teleserye o kaya’y pelikula.
Papayag naman daw siguro si Xian Lim na BF ni Kim. Sa parte ni Gerald, walang magseselos na GF (kung wala nga siyang GF).
Anyway, naging emotional si Gerald nang ma-witness ang release ng youngest covid-19 patient na 2 years old lang yata. Kaya lalong pursigido si Gerald na tumulong sa pagpapatayo ng quarantine facility para sa mga pasyente at para na rin sa medical frontliners na maku-quarantine after their duties.
Sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium nagpatayo ng
air-conditioned quarantine facility si Gerald sa tulong ng Philippine Coast Guard at ng marami niyang donors na itinag nito sa kanyang post.
Hindi tent ang ipinatayong 30-bed quarantine facility, made of wood ang bawat room at may toilet. Puwedeng hindi na i-demolish ang facility at maging part na lang ng hospital.
“I’m just trying to do my little part to ease the pain of our frontliners by building an Emergency Quarantine Facility for covid-19 patients and for nurses and doctors that will need to be quarantined after their duties... If you are willing to help our team by donating, it will be highly appreciated,” post ni Gerald.
♥♥♥
Dingdong at Marian, unli ang pagtulong sa mga apektado ng COVID-19
Hindi nauubusan ng sinusuportahan at tinutulungan na advocacy at fundraising ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ang latest na sinuportahan nina Dingdong at Marian ay ang Missionary Families of Christ and MFC East at lahat ng Filipinos sa panahon ng Covid-19 pandemic.
Maganda ang mensahe nina Dingdong at Marian, na ‘wag mawalan ng pag-asa ang lahat at samahan ng dasal araw-araw. Looking forward si Marian sa araw na mawawala na ang pandemic at maging normal na uli ang takbo ng buhay ng lahat.
Speaking of Dingdong, dahil hindi pa rin makapag-taping para sa kanyang spiel sa Amazing Earth at walang episode na maihanda si Director Rico Gutierrez, ibinabalik ng infotainment program ang episode na guest si Alden Richards. Napagkuwentuhan nila ni Dingdong ang time na nakita ni Alden ang Aurora Borealis at natanong ang Pambansang Bae ng mga hilig niyang gawin at binanggit nito na gusto niyang pumunta sa beach at mag-mountain climbing.
Sa episode ng Amazing Earth na mapapanood bukas (Sunday), may challenge si Dingdong kay Alden na ginawa nito at ito ay ang magpaandar ng speed boat.





Comments