Magsasaka, tinodas ng utol
- BRT
- Apr 25, 2020
- 1 min read
Masbate—Isang 28-anyos na magsasaka ang namatay nang saksakin ng kanyang nakababatang kapatid kamakalawa sa Bgy. Managa-Naga, Aroroy.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Daryl Barbolino, samantalang ang suspek ay ang kapatid nitong si Jonel, 21-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid na humantong para saksakin ng suspek sa tiyan ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi si Daryl sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Kusa namang sumuko sa pulisya si Jonel na nahaharap sa kasong parricide.





Comments