Kagawad, timbog sa boga
- BRT
- Apr 25, 2020
- 1 min read
Capiz—Isang kagawad ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng baril kamakalawa sa Bgy. Bolo, Roxas City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Kagawad Jovannie Balsote, nakatira sa nasabing na barangay.
Nabatid na habang nagpapatrulya ang pulisya ay nakita nilang may nakasukbit baril si Balsote.
Nang sitahin at walang maipakitang dokumento sa dala nilang kalibre .45 pistola ay agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.





Comments