HK Triathlon coaches, pasaway sa quarantine, sibak.
- Eddie M. Paez, Jr.
- Apr 25, 2020
- 1 min read

Sinibak ang isang triathlon coach sa Hongkong matapos ang paglabag nito sa ipinatutupad na anti-coronavirus na mga panuntunan dahil sa paglalaro ng mahjong.
Tinanggal na sa listahan ng mga kawani ng Hongkong Sports Institute bilang triathlon coach si Steven Gleeson ng Australia. Si Gleeson ay nakita sa isang post sa social media na naglalaro ng mahjong na hindi nakasuot ng face mask at hindi sumusunod sa social distancing. Ang desisyong ito ng Sports Institute, isang organisasyon na nangangalaga ng mga elite athletes sa dating crown colony, ay kinumpirma ng Hongkong Triathlon Association.
Ang tahanan ng mga elite athletes ay isinara noong pang Marso dahil sa pagiging COVID-19 positive ng tatlong coaches at dalawang manlalaro nila na nanggaling naman sa France mula sa karate training camp. Hanggang Mayo pa sana ang camp pero dahil sa mabilis na paglaganap ng virus ay napilitang umuwi ang Hongkong contingent.
Kasama rin sa pinutulan na ng kaugnayan sa Hongkong Triathlon ay ang Australyanong head coach na si Stephen Garreth Moss.





Comments