top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

BB, super-lungkot na mag-isa sa Tate, pamilya sa ‘Pinas, wa’ raw paki sa kanya

  • Mercy Lejarde
  • Apr 24, 2020
  • 3 min read

John Lloyd, problemado sa pag-aalaga sa anak nila ni Ellen

May chance pa kaya na balikan ni Ellen Adarna si John Lloyd Cruz na erpat ng first baby niya?

Well, sa ngayon, sa tingin ni yours truly ay tipong na-develop na si Adarna sa kanyang long-distance BF na isang Spanish (hindi po Spanish sardines na siyang laging ulam ni yours truly due to LQ… 'di rin po lovers' quarrel kundi lockdown-quarantine! 'Yun na!).

Kaya swak lang ang saying for Ellen na… "In order to forget someone special is to get another someone special…” boom, ganernnn!

Ang tanong… na kanino ang kanilang first lovechild na si Elias?

Well, baka nasa piling ni Lloydie kasi ayon sa latest update na nabasa namin ay nagtanong daw itong si JLC kung paano magpatulog ng baby sa mga dati niyang kasamahan sa Home Sweetie Home sitcom na sina Jobert Austria at Nonong Ballinan, kaya lang ay puro kalokohan naman ang isinagot ng dalawa in a comedy way.

Eh, tutal, itinutukso naman ni Angel Locsin si John Lloyd Cruz kay Bea Alonzo by saying… "One more chance na…may Second Chance pa!” eh, di why not? Chances are… baka matuto na si Lloydie na magpatulog ng bata.

'Yun, oh!

♥♥♥

BB, super-lungkot na mag-isa sa tate, pamilya sa ‘Pinas, wa’ raw paki sa kanya

'Wawa naman si BB Gandanghari now that he shouted in his social media account na he’s alone and lonely habang may lockdown din sa USA kung saan naging home based na niya now and home alone lang siya longing for his… este her pala… family here in 'Pinas. Ni kumustahin man lang daw siya ay waley!

Eh, ikaw ba naman BB Gandanghari, naisipan mo ba namang kumustahin din sila rito habang namamayagpag ang byuti mo d'yan sa Tate na tipong isa yata ito sa mga reasons kung bakit na-attract si Corona VEERUS 19 para sugurin ang buong mundo, sey mo?

Saka sana, bago ka pa nagladlad nang tuluyan, naisipan mo man lang sana na mag-adopt kahit dalawang bata, 1 girl and 1 boy, para sa ganitong sitwasyon like pandemic crisis all over the world ay may makakasama ka, 'di ba, 'di baaa?

O, sana, ginaya mo man lang si Vice Ganda na naghanap ng isang Ion Perez na makakatabi mo sa bawat araw at gabi lalo na during lockdown period, para walang puwang si Corona Veerus 19 sa iyong lonely mind, lonely heart at lonely life. Boom, 'yun na!

♥♥♥

Kinumusta namin ang nanalong New Male Recording Artist ng 11th PMPC Star Awards for Music na si Gari Escobar, ang lalaking nag-alok noon ng kasal sa kanyang lodi na si Superstar Nora Aunor, kung paano niya hinaharap ang lockdown period at ang kanyang naging kasagutan ay the following…

“Lagi lang po ako sa bahay ngayon, Tita, but still busy with my business, playing the guitar, and composing new songs. Lumalabas po ako kapag kailangan sa mga advocacy groups na kinabibilangan ko po.

“'Yung song ko po na Baguio ay pinapatugtog pa rin lagi sa Star FM at sa Energy FM, kaya thankful po ako sa mga DJs at sa mga music lovers na nagkagusto po rito.

“By the way po, Tita Mercy, on April 17 po iri-release digitally ng Ivory Music ang single ko na From Friends to Lovers. Para po 'to sa mga umiibig sa kaibigan nila. Nangyayari talaga 'yan, suwerte lang kung matiyempuhan mo na mahal ka rin niya o may gusto rin siya sa 'yo, or else, ang sakit nu'n. Na-experience ko na 'yun hindi lang dalawang beses.

“Ang naging diversion ko ay ang paggawa ng songs. Kailangan kasi para hindi ka ma-depressed."

Dagdag pa niyang kuwento, “Ang epekto po sa 'kin ng lockdown, magkahalo ang lungkot ko at saya. Pero 'yung lungkot ko ay dina-divert ko sa positive, 'yung kung paano 'ko makakatulong sa mga nangangailangan at sa mga frontliners, sa simpleng maaabot lang po ng makakaya ko, at lagi po akong nananalangin na hindi po tayo pabayaan ng Diyos.”

Bukod sa pagiging recording artist, isang multi-awarded entrepreneur din si Gari Escobar. In fact, nagkamit na siya ng Hall of Fame award at Entrepreneur of the Year award mula sa DSAP (Direct Selling Association of the Phils.), bukod pa sa kanyang international awards.

At kamakailan lang, siya ay nagwagi bilang New Male Recording Artist of the Year sa PMPC Star Awards for Music 2019 nga kung saan muli namin siyang nakatagpo.

At dahil Top 3 distributor siya ng 4Life Wonder Medicine ay humingi si yours truly dito ng kung ano ang mabisang mairerekomenda niya sa mga taong dumaranas ngayon ng anxiety attack.

Sabi niya, ang pinakamabisa ay ang WM or 4LifeTF na hindi naman daw drugs kundi essentials for our immune system na makakagamot sa mga taong dumaranas ng lungkot or nerbiyos, na sa panahon ngayon ng pandemic Covid-19 crisis ay hindi talaga maiiwasan.

And presto, hindi lang nakakagaling kundi nakakabata pa, in and out.

'Yun lang and I thank you.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page