Human trial ng COVID-19 vaccine sa Europe, start na
- BRT
- Apr 24, 2020
- 1 min read

Sinimulan na sa Oxford, England ang unang human trial ng bakuna laban sa coronavirus.
Napag-alaman na dalawang volunteers ang unang nabigyan ng bakuna mula sa mahigit 800 katao na inimbitahan para sa pag-aaral.
Kalahati ng 800 ay tatanggap ng COVID-19 vaccine habang ang kalahati pa ay tatanggap ng bakuna laban sa meningitis.
Binuo ng team mula sa Oxford University ang bakuna sa loob ng halos tatlong buwan at
80% silang kumpiyansa na magiging epektibo ito.





Comments