2 lumabag sa ECQ, tiklo sa shabu
- BRT
- Apr 24, 2020
- 1 min read
Camarines Sur—Dalawang lalaking lumabag sa enhanced community quarantine ang nakumpiskahan ng shabu ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Balatas, Naga City.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jeric San Juan at Rodel Bal, Jr., kapwa residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nakita ng mga awtoridad sina San Juan at Bal na naglalakad at lalapitan sana upang tanungin kung may dala silang quarantine pass ay biglang tumakbo ang dalawang suspek.
Dahil dito, hinabol ng pulisya ang dalawang suspek at nang maabutan at kapkapan ay nakumpiskahan sila ng ilang sachets ng shabu.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa ECQ.





Comments