top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Paralisado na ang maraming ospital, tinatanggihan na ang mga pasyente, nakupo!

  • Ka Ambo
  • Apr 23, 2020
  • 2 min read

Humihina na raw ang atake ng COVID-19.

‘Yan ang akala nila!

◘◘◘

MARAMI nang ospital ang paralisado.

Tumanggi na sila sa mga maysakit.

Ngek!

◘◘◘

DAPAT nakatutok din ang DOH sa mga taong may ordinaryong sakit na tinatanggihan ng mga ospital.

Bakit hindi nila ito inaasikaso?

◘◘◘

DAPAT bigyang-prayoridad ng DOH ang mga dati nang maysakit at mga bagong nagkakasakit.

Sila ay awtomatikong “suspected” case tulad ng mga elderly!

◘◘◘

DAPAT bantayan din ng AFP at PNP ang mga ospital na tumangging tumanggap ng mga may sakit.

Bakit nila hindi dinededma ang mga ito?

◘◘◘

MARAMI na tayong personal na kakilala na namatay sanhi ng ordinaryong sakit.

Ito ay posibleng COVID-19 case na hindi na pinapansin.

Maaari ito ay dahil sa kawalan ng pambili ng gamot at kabiguang magpakonsulta o ma-admit sa ospital!

◘◘◘

DAPAT may estatistika rin kung ilan ang namamatay sanhi ng “ordinaryong sakit” at ilan ang namatay “sanhi ng COVID-19”.

Pareho lang sakit ‘yan—pero hindi ito sinusubaybayan ng gobyerno!

◘◘◘

SA pagpatak ng ulan at matinding init ng klima—magkakasakit ang mga tao.

Pero, sarado ang mga ospital at walang “medical staff”.

‘Yan ay seryosong “medical crisis” sa bansa!

◘◘◘

HINDI lang COVID-19 ang dapat binabantayan.

Isa ito sa mga kahinaan ni DOH Secretary Francisco Duque III!

◘◘◘

HINDI puwedeng ikatwiran na hindi ito napapansin.

Walang kakayahan ang DOH na mamuno sa gitna ng krisis kapag ang ordinaryong maysakit ay hindi natutulungan!

◘◘◘

WALANG duda na extended ang lockdown sa Metro Manila.

‘Yan ang rekomendasyon ng ilang amuyong ni P-Digong!

◘◘◘

MAY ilang lalawigan na walang kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Dahil walang isinasagawang “testing”!

He-he-he!

◘◘◘

DATI-RATI ay wala ring kumpirmadong kaso nito sa Pilipinas.

Pero, biglang nagkaroon nang magkaroon ng “testing kits”!

◘◘◘

NOONG kakaunti lang ang testing kits, kaunti lang ang bilang ng may kompirmadong may COVID-19.

Noong magkaroon ng mass testing, dumami rin ang bilang ng may kumpirmadong COVID-19!

◘◘◘

Kapag walang may kumpirmadong kaso, hindi nangangahulugan na “walang virus sa naturang lugar”.

Ibig sabihin lang n’un, posibleng may “COVID-19” pero hindi isinasailalim sa testing kits!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page