Pahiwatig na tatanggapin na ng stepchild ang relasyon
- Socrates Magnus
- Apr 23, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Maria Janice na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Madalas kong napapanaginipan ‘yung anak ng asawa ko na galit sa akin. Lalaki siya, tapos napanaginipan ko na naman siya at palagi niyang kasama ‘yung asawa at anak niya. Pero sa panaginip ko, hindi siya galit sa akin at magkaayos kami.
Sa panaginip ko, dumating sila at ganu’n palagi ang eksena na bigla silang dumarating sa bahay, tapos pinagluluto ko sila ng makakain. Halos pare-parehas ang eksena kapag nananaginip ako sa kanilang mag-anak.
Ano ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin ba nito, patuloy ang pagkagalit nya sa akin? Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tanggap ung relasyon namin ng daddy niya.
Naghihintay,
Maria
Sa iyo Maria,
Ayon sa iyong panaginip, palagi kang iniisip ng anak ng asawa mo. Naiisip ka niya kung saan minsan ay galit siya sa iyo at minsan pa nga ay galit na galit at minsan naman, ayaw ka niyang makita.
Pero dahil hindi rin naman niya maiwasang hindi ka maalala o lagi kang sumasagi sa isipan niya, iniisip din niya kung kailan kayo magkakaayos. Gayundin, naiisip niya na wala naman siyang magagawa dahil asawa mo na ang daddy niya kaya mas mabuting tanggapin na niya ang katotohanan.
Malamang, iniisip niya rin na ikaw ang mag-aalaga sa daddy niya sa kanyang pagtanda kaya kahit medyo tutol pa rin ang isipan niya, dapat na kayong magkaayos para sumaya ang daddy niya at kapag masaya ang daddy niya ay masaya na rin kayong lahat.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments