top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mark at Nicole, nag-dinner date kahit may lockdown

  • Vinia Vivar
  • Apr 23, 2020
  • 2 min read

Isang original composition ang handog ng The Clash 2019 grand winner na si Jeremiah Tiangco sa mga frontliners at mga Pilipino ngayong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ang kantang isinulat ni Jeremiah na pinamagatang Saludo ay alay daw niya sa mga apektado ng lumalaganap na sakit upang magbigay ng pag-asa at inspirasyon sa kabila ng matinding pagsubok na kinakaharap.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng Kapuso singer ang music video para sa kantang Saludo kalakip ang mga larawan ng mga magigiting na frontliners at kababayan na isinasantabi ang kanilang kaligtasan para sa ikabubuti ng nakararami.

Dagdag pa ni Jeremiah, "To all Filipinos and frontliners out there, sama-sama nating malalampasan ito. Saludo ako sa inyo!"

Bukod kay Jeremiah, may handog din na kanta para sa mga frontliners ang kapwa The Clash alumnus nitong si Garrett Bolden na pinamagatang Soldiers in White na isinulat ni Lolito Go.

Samantala, bukas pa rin ang online auditions para sa ikatlong season ng The Clash hanggang June 28, 2020. Pumunta lang sa official website ng GMA o sa Facebook Messenger ng nasabing talent search show.

♥♥♥

Mark at Nicole, nag-dinner date kahit may lockdown

Kahit naka-quarantine, nakagawa pa rin ng paraan si Mark Herras na mai-date ang girlfriend na Kapuso star din na si Nicole Donesa nang hindi lumalabas ng bahay.

Nagluto si Mark ng salmon steak at nag-setup ng formal dinner with matching wine pa sa table. Ipinost ng aktor ang larawan ng dinner setup at sa caption, he wrote, “Date-date muna kami ni Bearbear. Puwedeng-puwede kahit nasa bahay lang. Kaya 'wag na munang lumabas, matatapos din 'to :) #stayhome #lockdownactivated #itchyitchy.”

Sa video ay maririnig na tumutugtog pa sa background ang awiting The Way You Look Tonight.

Nag-post din si Nicole ng parehong larawan at sa caption ay pinasalamatan niya ang kanyang boyfriend.

“In the midst of all this chaos, there are still many simple reasons to be happy... And in every fleeting moment of happiness, love as hard as you can (he cooked, I ate) Thanks chef itchy grumpybear,” caption ni Nicole.

We’re just wondering kung magkasama na ba sa bahay ang dalawa or nag-dinner lang sila virtually.

Samantala, last year ng August nang ianunsiyo ni Mark na girlfriend na niya ang Kapuso actress na nakasama niya sa seryeng Bihag.

♥♥♥

Michael V. at misis, nag-celebrate ng 26th wedding anniversary

Pribado man ang relasyon ng mag-asawang Bubble Gang star Michael V. at Carol Bunagan, nananatili namang matatag at happily married ang dalawa through the years.

Sa katunayan, nitong Linggo (April 19) ay ipinagdiwang nila ang kanilang 26th wedding anniversary kahit pa man stuck at home dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine.

Lumabas naman ang creativity ng award-winning comedian/content creator na si Bitoy sa pagpapahayag ng pagmamahal nito sa asawa sa pamamagitan ng handog na short video na may lamang sweet message.

Nais man daw na ilabas ni Bitoy ang asawa upang i-celebrate ang kanilang anniversary, ang mahalaga raw ay magkasama sila.

Kahit naging simple lang ang kanilang selebrasyon this year, naniniwala si Carol na ang importante ay kasama raw niya ang kanyang mister.

Bukod sa pagiging mag-asawa, si Carol ay tumatayong talent manager din ni Michael V. at executive producer ng Mic Test Entertainment.

Samantala, napapanood pa rin ang kuwelang barkadahan ng Bubble Gang tuwing Biyernes sa GMA-7.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page