Laborer, arestado sa shabu
- BRT
- Apr 23, 2020
- 1 min read
Quezon—Isang laborer ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Tongohin, Infanta.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na si Raymond Ruidera, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa nasabing lugar at nang pagbentahan sila ng shabu ni Ruidera ay agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.
Nakapiit na si Ruidera na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments