Angel sa mga rich na pasaway sa ECQ: 'Wag po tayong privileged!
- Beth Gelena
- Apr 23, 2020
- 4 min read
Beth Gelena / Bulgary Files
Video ng pag-amin ni Arci na 'di siya mabibiktima ni Gerald, ni-like ni julia

Viral na naman sa social media si Julia Barretto nang i-like niya ang post na video ni Gerald Anderson na "‘Di ako mabibiktima."
Dahil sa enhanced community quarantine at walang magawa ang aktor, nag-post siya ng kanyang TikTok craze at ang picture na ipinost ay ang balbas-saradong mukha niya.
Ang nasabing video ay kuha sa programa ng Gandang Gabi Vice kung saan guest ni Vice si Arci Muñoz.
Nasa height ng controversial issue ang relationship nu'n nina Bea Alonzo at Gerald kung saan na-ghosting ang aktres dahil sa pagka-playboy umano ng aktor.
Dahil ilang beses na ring nagkatambal sa pelikula sina Gerald at Arci katulad ng Always Be My
Maybe at Can We Still Be Friends?, natanong ni Vice kung dumating daw sa puntong niligawan siya ng aktor.
Birong sagot ni Arci kay Vice, “Hindi ako mabibiktima.”
Nito lang nag-react si Gerald sa "‘Di ako mabibiktima" na sinabi ni Arci.
Ani ng aktor, hindi niya naisip na ligawan si Arci dahil magkatropa raw silang dalawa. Katunayan, ang batian daw nila 'pag nagkikita ay "What's up, bro?"
Ni-like ni Julia ang ipinost ni Gerald. Kaya muli, binaha ng komento ang social media account ng young actress.
Anila, “Julia, run. You're young and beautiful. This guy is a, uhmmm… well.”
“Thumbs up. Dapat focus na lang s'ya sa career and family. No love relationship muna (both in reel (as LT) and real life).”
“Tuluyan na siyang mawawalan ng career. Lahat ng sinabi niya, wala nang maniniwala.”
May komento pang, "Parang siya 'yung habol nang habol?”
“I believe we get what we deserve. Baka deserve nila ang isa't isa.”
Inihalintulad pa ang dalawa kina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz.
“Parang Ellen- JLC lang. Well, buhay nila 'yan, bahala sila. Hayaan n'yo kung saan sila masaya.”
***
WILLIE, GUSTONG I-GUEST SI P-DIGONG SA WOWOWIN
Guest sa Tutok to Win sa Wowowin si Cabinet Secretary Karlo Nograles last Tuesday.
Sa programa ay pinanood nila ng Wowowin host na si Willie Revillame ang mga clippings ng mga unsung heroes — frontliners, health workers at law enforcers na malayo sa kanilang pamilya ngayon dahil sa COVID-19.
Hindi napigilan ng Cabinet secretary ang magpahid ng luha habang pinapanood ang ipinakikita sa screen.
Ani Nograles, “‘Yan po 'yung hinaharap ng mga frontliners natin araw-araw. 'Yan po 'yung hinaharap nila. Mahirap talaga. Lahat naman tayo, may pinagdaraanan. Ginagawa natin ang lahat.”
Sinabi rin niya na maging ang mga kapulisan ay isinusuong ang kanilang buhay, pero minsan ay itinuturing pang 'kaaway' ng ilan sa atin.
Dugtong pa ni Nograles, “Nahihiya ako roon sa mga pulis. Naaawa talaga ako. Lahat pinagdaraanan tapos, hirap na nga ng buhay, hirap na nga ng trabaho, tapos ginagawa pang kalaban.”
Sa Twitter account ng Cabinet secretary, humingi siya ng sorry sa mga manonood ng Tutok to Win at maging kay Kuya Wil dahil hindi raw niya napigilang maiyak.
Aniya, “Sa mga nakapanood po sa Tutok to Win sa Wowowin kanina, pasensiya na po at ‘di ko napigilang umiyak nang pinanood namin ni Wil ang mga pinagdaraanan ng ating mga frontliners.”
Dugtong pa ng kalihim, “Nakakalungkot man ngunit magsisilbi itong inspirasyon sa amin sa pamahalaan na mas igihan pa ang aming trabaho upang malampasan natin ang pandemic na ito nang sama-sama at walang maiiwan. #WeHealAsOne.”
Si Kuya Wil ay tahimik lang na pinakikinggan ang sinasabi ng Cabinet secretary.
Talagang ibinigay niya ang floor kay Sec. Nograles para maipahatid sa mga mamamayan ang
nangyayari ngayon sa ating bansa dahil sa krisis.
Samantala, ayon kay Kuya Wil, gusto rin daw niyang maimbitahan si Senator Bong Go o 'di kaya ay si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang programa.
***
ANGEL SA MGA RICH NA PASAWAY SA ECQ: 'WAG PO TAYONG PRIVILEGED!

ISA si Angel Locsin sa mga nag-react hinggil sa napabalitang isang condominium sa Bonifacio Global City ang nag-break ng rules sa enhanced community quarantine.
Ang BGC ay nasasakupan ni Mayor Lino Cayetano dahil part ito ng Taguig kung saan isa sa mga residente ang humanitarian actress.
Ayon sa balita, nilabag umano ng mga residente at unit owners ang ECQ. Tumatambay daw ang mga ito sa common area ng Pacific Plaza Towers, sa may swimming pool.
Nakita umano ng mga nag-iikot na kapulisan ang paglabag ng mga residente at sinita ang mga ito hanggang sa nagkaroon na ng commotion.
Diin ng Taguig government, lumabag ang mga residente sa utos na iwasan ang mass gathering ngayong ipinatutupad ang ECQ dahil sa COVID-19 crisis.
Ayon sa management ng condominium, trespassing umano ang ginawa ng mga pulis at sinigawan pa raw ang mga residente.
Diin naman ni Taguig Mayor Cayetano, dapat sumusunod ang lahat sa mga ipinapatupad na ECQ rules.
In-screenshot ni Angel si Mayor Cayetano habang iniinterbyu ang ama ng lungsod hinggil sa isyu.
Nilagyan niya ng caption ang in-screenshot photo ng “I live in BGC and I support the PNP and
Mayor Cayetano.
“Rules are rules,” sambit pa ng aktres.
“Walang kaibahan po ang kumpulan sa palengke, pa-sabong sa sementeryo, at pa-bingo sa kalsada sa pagkumpulan ninyo sa swimming pool porke't may common area sa high-end condo ninyo.”
Pagdidiin pa ni Angel, “'Wag po tayong privileged. Wala pong diplomatic immunity ang virus.”
Mensahe pa ng aktres, “You staying in common areas can harm not only us Filipinos but also the diplomats in your condominium.”





Comments