Notoryus na pusher, tiklo sa drug-bust
- BRT
- Apr 22, 2020
- 1 min read
Zamboanga City—Nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya ang isang notoryus na drug pusher kamakalawa sa Bgy. Canelar Moret.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Wilson Parajado, residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa naturang lugar at nang pagbentahan sila ng shabu ng suspek ay agad itong inaresto ng mga awtoridad.
Napag-alaman na nakakumpiska ang pulisya ng walong sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Parajado na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments