top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ellen, insecure kay Bea na ‘binalikan’ ni John Lloyd, todo-displey sa bagong lalaki

  • Erlinda Rapadas
  • Apr 22, 2020
  • 3 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Sen. Bong, tumulong sa mga taga-Manila kahit tinira ni Mayor Isko

Kailanman ay hindi nagtanim ng galit at sama ng loob si Sen. Bong Revilla, Jr. sa mga taong naninira sa kanya. Sinasagot lang niya ang mga maling akusasyon upang ipagtanggol ang kanyang sarili.

Tulad na lamang nang magparinig si Manila Mayor Isko Moreno na walang ibinibigay na tulong ang mga nahalal na senador at congressmen para sa mga taong naapektuhan ng COVID-19 gaya ng mga taong nawalan ng trabaho at pagkakakitaan dahil sa pinaiiral na lockdown at enhanced community quarantine.

Hindi nagustuhan ng mga supporters ni Sen. Bong ang mga patutsada ni Yorme Isko. Nakatikim ng pamba-bash ang Manila mayor kaya pansamantalang nanahimik ang kampo nito.

Nang magkasunog nga sa isang distrito ng Maynila, isa si Sen. Bong sa mga unang dumamay at nagpadala ng ayuda sa mga pamilyang nasunugan kaya naman labis siyang hinangaan ng mga Manileño sa kanyang ginawa.

Nagpasalamat din si Yorme Isko sa ibinigay na tulong ni Sen. Bong.

♥♥♥

Ellen, insecure kay Bea na ‘binalikan’ ni John Lloyd, todo-displey sa bagong lalaki

May motibo raw si Ellen Adarna kung bakit ipinost na niya sa social media ang bagong lalaki sa kanyang buhay bilang kapalit ni John Lloyd Cruz. Isang Spanish guy named Carlos Lemus ang bagong karelasyon ni Ellen.

Ngayon pa lamang, may mga netizens na ang nagsasabi na hindi naman daw magtatagal ang pakikipagrelasyon ng sexy Cebuana star sa Afam (foreigner) niyang boyfriend ngayon. Isa hanggang dalawang taon lang, tiyak na magbe-break na sila dahil madaling magsawa si Ellen sa nagiging karelasyon.

May mga nag-comment pa na baka raw nagseselos/nai-insecure si Ellen sa balik-tambalan nina Bea Alonzo at John Lloyd sa isang pelikula lalo na't naisusulat na nagpapa-cute muli si Lloydie sa kanyang perennial love team na si Bea.

It seems gumaganti at nagpapapansin si Ellen para hindi masabi ng publiko na loveless siya at hindi na makakatagpo ng bagong mamahalin.

♥♥♥

Wedding video nina Mikael at Megan, ilalabas sa YouTube channel nila

Tiyak na patok sa kanilang mga fans ang ise-share na wedding video nina Mikael Daez at Ms. World 2015 Megan Young na ilalabas sa kanilang YouTube channel.

Dalawang beses nang nagpakasal sina Megan at Mikael noong Enero, 2020. Ang first wedding nila ay ginanap sa Caleruega, Batangas na dinaluhan lamang ng kani-kanilang pamilya. Ang second wedding naman ay sa Subic ginanap at dito ay mas malaki ang naging selebrasyon dahil imbitado ang kanilang mga mahal sa buhay, kaibigan at mga katrabaho.

Malalaman din sa nasabing wedding video kung bakit "Bonez" at "Fofo" ang tawagan nina Mikael at Megan sa isa't isa.

Matagal na naging magkasintahan sina Megan at Mikael bago nagpakasal.

♥♥♥

Rhian, ‘di bored sa lockdown dahil sa ginagawa nila ng BF

Hindi na-bored ang Kapuso actress na si Rhian Ramos habang naka-quarantine dahil may mga activities siyang pinagkakaabalahan.

Naglilinis siya ng bahay, naglalaba, nagluluto, atbp.. May daily workouts din siyang ginagawa kasama ang boyfriend niyang si Amit Borsok. At kahit naka-quarantine, may live stream siya para sa charity na tumutulong sa mga naapektuhan ng COVID-19.

Marami ring isine-share si Rhian na magagandang quotes na akmang-akma sa krisis na pinagdaraanan natin ngayon tulad ng: "Appreciate what you have instead of what you don't have."

♥♥♥

Aminado ang Kapuso actor na si Rocco Nacino na noong wala pa ang COVID-19 pandemic at hindi pa nagkakaroon ng lockdown ay hindi niya nabibigyan ng atensiyon at panahon ang kanyang mga alagang aso na sina Valentine, Arrow at Cloud. Sobrang busy kasi ng schedule niya noon sa teyping ng Descendants of the Sun at sa iba pa niyang commitments at TV guestings.

Kapag umuuwi siya ng bahay ay pagod na siya at hindi na niya magawang makipaglaro/makipag-bonding sa kanyang mga doggies. Kaya naman ngayong naka-quarantine siya at stay at home lang ay bumabawi siya sa kanyang mga alaga.

Sobrang lambing daw ng kanyang mga pet dogs at halos ayaw nang umalis sa kanyang tabi.

Samantala, dahil naudlot ang paglipat sana ni Rocco sa kanyang ipinagawang dream house noong birthday niya, ire-reset na lang niya ito pagkatapos ng lockdown at kapag bumalik na sa normal ang lahat. Nangako rin siyang ipapasilip sa ilang media friends ang kanyang bagong bahay.

Wala pa sa plano ni Rocco ang pagpapakasal in the next few years dahil gusto muna niyang maging financially stable bago mag-asawa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page