top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

La Salle at Ateneo, nagtulong para sa homeless at medical frontliners

  • VA
  • Apr 21, 2020
  • 1 min read

Mula sa pagiging mahigpit na magkaribal sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP), nagsanib puwersa ang archrivals Ateneo de Manila at De La Salle University upang tumulong sa paglaban sa kasalukuyang kinakaharap na krisis ng bansa -- ang coronavirus (COVID -19).

Nagkaisa at pinagsama ng kanilang layuning makatulong ang mga Jesuits (Society of Jesus) at De La Salle Brothers sa pangangalap ng pondo para makapagbahagi ng ayuda sa mga komunidad na apektado ng pinaiiral na "enhanced community quarantine".

Tinawag nila ang kanilang fund-raising drive na “Let’s Work Together To Fight, COVID-19!” Nauna na rito, nagkaloob na ng tulong ang dalawang unibersidad sa mga apektado ng krisis.

Ang De La Salle University, kabalikat ang Arnold Janssen Kalinga Center ay binuksan ang Razon Sports Complex at ang College of Saint Benilde’s covered courts para sa mga street dwellers ng lungsod ng Manila kung saan bukod sa pansamantalang masisilungan ay binigyan din nila ang mga ito ng makakain.

Binuksan naman ng Ateneo de Manila ang kanilang mga dormitoryo para sa mga medical frontliners. Kasunod nito, nagkausap sina Philippine Jesuit Provincial head Fr. Jun Viray, SJ. at DLSU President Bro. Armin Luistro, FSC kung saan nabuo ang kanilang kampanya para sa laban sa panahon ng COVID-19. Sa kasalukuyan, mula sa kanilang mga negosyanteng alumni ay nakalikom na ang “Let’s Work Together To Fight, COVID-19!” ng P10,000,000.

Inaasahang mabibiyayaan nito ang may 500 street dwellers at 6,000 mga mahihirap na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page