Kagawad, nasagasaan ng trak
- BRT
- Apr 21, 2020
- 1 min read
Zamboanga Sibugay—Isang kagawad ang namatay nang aksidenteng masagasaan ng trak kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Imelda.
Ang biktima ay nakilalang si Kagawad Alfredo Ceriales, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng motorsiklo si Ceriales kaya sumemplang ito sa kalsada at tiyempong parating naman ang trak na minamaneho ni Jay Villaruel kaya aksidente niyang nasagasaan ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nakapiit na si Villaruel na sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.





Comments