top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Class opening, posibleng sa Agosto — DepEd

  • Madel Moratillo​
  • Apr 21, 2020
  • 1 min read

Pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) na gawing sa Agosto na lamang ang pagbubukas ng klase para sa susunod na school year.

Ito ang inihayag ni DepEd Secretary Leonor Briones, dahil sa epekto ng Coronavirus Disease 2019.

Ayon kay Briones, sa ngayon ay hindi rin nila masabi pa kung sa una o huling linggo ng Agosto gagawin ang pagbubukas ng klase.

Ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa ay nagsisimula ng Hunyo. Nakipag-ugnayan na aniya ang ahensiya sa mga opisyal at mga eksperto kaugnay sa pagbubukas ng school year.

Ayon sa batas, ang school year ay dapat umanong magsimula ng Hunyo hanggang Agosto.

Isa pa sa pinag-aaralan din umano ng DepEd ay ang pagkakaroon ng Saturday classes. Pero ito ay hindi aniya karaniwang sa silid-aralan kundi maaaring sa bahay, gaya ng pagbibigay ng assignment.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page