Weddings, pinapayagan na ulit sa New York
- Lolet Abania
- Apr 20, 2020
- 1 min read

NEW YORK, NY – Legal na ngayon ang pagpapakasal gamit ang online o tinatawag na Zoom weddings sa naturang lugar.
Mula sa executive order na ipinalabas ni Gov. Andrew M. Cuomo, pinapayagan na ang lahat ng residente na kumuha ng kanilang marriage licenses kahit malayuan at may permiso na rin ang mga clerk na magsagawa ng mga ceremony via video conference.
“There is now no excuse when the question comes up for marriage,” ayon kay Cuomo sa isang press briefing ng coronavirus. “You can do it by Zoom.”
Para magpakasal, kinakailangan pa noon na mag-apply nang personal ng kanilang marriage license. Subalit dahil sa coronavirus pandemic at sa umiiral na lockdown, ang mga marriage offices ay ipinasara kaya nahinto ang iba’t ibang transaksyon.
Simula pa noong Marso, ipinatigil na ang mga nonessential businesses sa naturang state, kung saan dito ang may pinakamaraming kaso ng covid-19 na infected at namatay.
Gayundin, dahil sa nagaganap na Zoom happy hours, Zoom concerts, Zoom classrooms, o kaya ay Zoom ‘Saturday Night Live’ episodes, pinayagan na rin ng Zoom weddings.
Marami na ring couples sa bansa at sa buong mundo ang nagsasagawa ng wedding ceremonies gamit ang popular na teleconferencing platform, at makikita ang mga post ng kani-kanilang cyber-nuptials na may hashtag #ZoomWeddings.
Gayunman, ang New York ang kauna-unahang state na nag-awtorisa ng ganoong gawain at pinapayagan ang mga couple na kahit wala pang lisensiya ay maaari nang magpakasal gamit ang computers.





Comments