top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lesson, idadaan sa TV at radyo — DepEd

  • Madel Moratillo​
  • Apr 20, 2020
  • 1 min read

Maaaring sa pamamagitan ng telebisyon o radyo pansamantalang makakuha ng kanilang mga aralin ang ilang estudyante sa bansa kung patuloy pa ring magkakaroon ng travel restriction sa ilang lugar sa bansa dahil sa Coronavirus Disease 2019.

Ipinaliwanag ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na tuloy pa rin ang pagbubukas ng school year 2020-2021.

Gayunman, hindi naman ito nangangahulugang kailangang pumasok sa eskuwelahan ang mga estudyante.

Paliwanag ni Malaluan, ang covid-19 ay isang global pandemic at hindi madaling matatapos.

Kaya naman sa mga lugar na hindi posible ang normal na classroom set up ay pinag-aaralan ng Department of Education ang ICT o Information and Communication Technology.

Inaasahang sa linggong ito ay iaanunsiyo aniya ng DepEd ang schedule ng pagbubukas ng school year na karaniwang nagsisimula ng Hunyo.

Nabatid na nagsagawa ng survey ang DepEd kaugnay sa teaching platform ng mga estudyante at eskuwelahan na kanilang ipiprisinta sa Inter-Agency Task Force on COVID.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page