top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ilang bansa sa Europe, tatapusin na ang lockdown

  • Lolet Abania
  • Apr 20, 2020
  • 2 min read

BERLIN – Naghahanda na ang ilang bansa sa Europe upang muling magbukas ang maraming negosyo at kumpanya na nagsara dahil sa restriksyon na ipinatutupad.

Isinagawa ang hakbang sa gitna ng kinakaharap na krisis, upang mapalakas ang nanghihinang

ekonomiya ng mga bansa, kahit pa ang bilang ng namatay sa coronavirus sa naturang kontinente ay lumampas na sa 100,000. Unti-unting nang bubuksan ang mga negosyo, kalakalan at kumpanya na siyang nagpaunlad sa kanilang bayan.

Bubuksan ang maliliit na pamilihan sa Denmark at the Czech Republic, habang sa Norway ay papayagang bumalik sa kindergartens ang mga bata at sa Poland ay maaari na ulit puntahan ang mga park at forests.

Sa Germany, na kilala bilang euro zone’s biggest economy, magbubukas ang maraming non-essential businesses, gaya ng car dealers, mga book store, mga zoo at at electronic retailers, subalit ang mga restaurant, bars at ibang malalaking tindahan ay mananatiling sarado.

Gayunpaman, ang federal system na katulad sa United States, gaya ng mga patakaran kung paano mag-resume ang operasyon ng mga negosyo, ay asahan na ibang panuntunan ang ipatutupad sa Germany. Ilan sa mga states doon ay inaantala ang muling pagbubukas ng kumpanya, may iba naman na pinapayagan nang mag-operate ang kanilang negosyo.

Sa ibang parte ng Europe, ang Germany ay partial reopening lamang, sa kabila ng warning na ibinigay ng mga opisyal na dapat ay ‘full return to normality.’

Noong nakaraang linggo, pinayagan na sa Spain ang ilang workers na magbalik operasyon, kahit pa extended ang restriksyon doon na manatili sa kani-kanilang tahanan ng ilang linggo.

Gayundin, sa Austria binuksan ang maraming shops, subalit may patakaran pa ring umiiral sa paggamit ng face masks sa pampublikong lugar.

Samantala, ang South Korea ay isa sa unang mga bansa sa buong mundo na umalma sa global trend ng virus-driven lockdown at ni-lift na ang mga closure order sa mga simbahan, bars at sporting facilities. Pero patuloy ang kanilang social distancing policy sa loob pa ng 16 na araw, ayon

kay Prime Minister Chung Sye-kyun.

Asahan na darami ang mga bansang naghahanda na rin sa pagbabawas ng mga restriksyon ngayong linggo na katulad ng balanseng hakbang na ginawa ng mga bansa sa Europe at unti-unting pagbabalik sa normal.

Subalit, may ibang European nations, gaya ng France at United Kingdom na nag-extend ng kanilang lockdown.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page