top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Frankie, sukang-suka na 'basura' ang mga Pinoy rom-com, wa' raw paki kahit sapul din si

  • Beth Gelena
  • Apr 20, 2020
  • 4 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Gerald at Julia, kahit pinagpipiyestahan ng netizens, ayaw umamin

Muli na namang napag-uusapan sina Gerald Anderson at Julia Barretto dahil umano magkasama ang dalawa sa isang proyekto para makatulong sa mga naapektuhan ng COVID-19.

May suspetsa ang mga netizens sa ipinost ni Gerald na video at mga larawan ng mga kasamahan niya sa Philippine Coast Guard. Tumutulong ang mga ito sa pagbubuhat ng mga materyales para sa construction ng Emergency Quarantine Facility ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium.

Ani ng ilang netizens, kasama rin umano si Julia sa project na ito ni Gerald.

Caption ng Kapamilya actor: “Proud day to be part of the Philippine Coast Guard… Maraming salamat sa pag-volunteer sa paghakot ng materials natin para sa Emergency Quarantine Facility para sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (COVID-19 center)… Commodore Torre, salute Sir.. Monday ang first day natin.”

Pinasalamatan din ni Gerald ang ilang kaibigan sa showbiz na sumuporta sa kanya tulad nina Arci Muñoz, Sue Ramirez, Direk Ruel Bayani, Rayver Cruz at Jake Cuenca.

Hindi man daw binanggit ni Gerald ang name ni Julia, naniniwala ang mga netizens na katuwang din ang aktres sa project ni Gerald.

May isang komento kasi na mula kay @freshouttanowhere at ang sabi: “Isn’t this the same EQF that Julia is promoting as well?”

Sagot naman ni @ilovebeautifhel, “Parang.”

Pasok naman ni @vanezaajc21, “If same, may mali po ba?”

Sina Julia at Gerald ay nagkapareha sa Between Maybes. Ang actress umano ang dahilan kaya na-ghosting ni Gerald ang girlfriend na si Bea Alonzo.

Pero, hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon ang lahat tungkol kina Gerald at Julia.

***

FRANKIE, SUKANG-SUKA NA 'BASURA' ANG MGA PINOY ROM-COM, WA' RAW PAKI KAHIT SAPUL DIN SI SHARON

Umiral na naman ang pagiging observant ng anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan. Sa Twitter account ni Frankie, may post ang panganay nilang anak tungkol sa mga pelikulang Pinoy.

Ani ng dalaga: “Why Filipino rom-coms always gotta be like: guy is ‘bad boy’ who is basically annoys tf out of girl; they spend half the movie trying to piss each other off then someone gets hurt (probe girl) and they soften…; someone ends up in the hospital at some point (SHOCK disease); Happy.”

May dugtong pa si Frankie, “It fully SENDS me someone ALWAYS ends up in the hospital or dead or having a secret ailment why is everyone is so unhealthy.

May sumagot sa tweet ni Kakie.

“Your mother did these kind of films when she was younger, though."

Sagot ni Frankie: “Yes I’m roasting her as usual.”

Komento ng mga netizens: “Girl 'yung mga movies na 'yun, reason kung bakit maganda life mo ngayon.”

“The audacity of this brat, 'yan nagpaganda ng buhay mo inday.”

'Di naman daw napikon si Frankie.

“Siyempre, 'di siya mapipikon dahil nanay din niya pinapatamaan pala niya.”

Sabi naman ng ilang netizens, kung wala namang masabi si Kakie, keep quiet na lang ito lalo't ang laki ng pakinabang niya sa pinatatamaan niya.

May nagsabi namang… “Ask your mom. It hasn’t changed since her time.”

May mga asar din kay Frankie.

Komento nila, “She is so overrated. Akala mo brainy pero reklamador lang naman. Kung hindi dahil sa masa, 'di kayo yumaman.”

“Inglesera lang kasi kaya akala mo, brainy.”

“Agree. Just because you criticize and complain a lot doesn't mean you are brainy.”

“I find it more admirable and smart those people who can find light and positivity in things around them. Shows how you see things in different perspectives. Negativity equates to short and narrow reach. I'm sure Frankie will mature later on in life.”

Samantala, may isa namang ipinagtanggol ang mga rom-com movies. Hindi naman daw lahat ng rom-com ay ‘basura’. May mga magagandang rom-com din daw na ipinalabas lately.

Siguro, ang napanood daw ni Kakie ay talagang walang kabuluhan kaya nakapag-post si girl ng hindi maganda.

***

Sylvia, feeling sa grocery niya nakuha ang COVID-19

SA Rated K nu’ng Linggo ng gabi ay live na nainterbyu ni Korina Sanchez si Sylvia Sanchez.

Ayon sa actress, nagpapasalamat siya dahil sa ilang araw na inilagi niya sa ospital ay nakaligtas siya sa COVID-19.

Tanong ng host, saan niya nakuha ang virus.

Ani Sylvia, “Hindi ko alam. Inisip ko kung saan ako nagpunta nu’ng araw na ‘yun. Pero wala talaga… sa bahay lang ako… kami ng pamilya ko.”

Binalikan din niya sa kanyang isipan nu’ng nagte-taping sila ng Pamilya Ko, pero wala naman daw nagkasakit sa cast ng Kapamilya serye.

“Ang alam ko, huli kong pinuntahan ay nag-grocery ako. 'Yun ang naalala ko.”

Ang ikinatatakot pa ni Ibyang ay panay pa raw ang yakap ng kanyang bunso sa kanya nu’ng time na hindi pa niya alam na positibo siya sa COVID-19. Mabuti na lang daw at okey ang kanyang mga anak.

Habang nasa ospital, panay daw ang dasal ng aktres na kung may kukunin sa kanilang mag-asawa ay siya na lang. Nagpositibo rin kasi si Papa Art Atayde, hubby ni Sylvia.

Masaya ang aktres dahil nakalabas na siya sa ospital, pero ang mister niya ay naiwan pa rin.

Aniya sa kanyang social media account, “SALAMAT SA DIYOS nakauwi na po ako matapos mag-negative sa COVID-19! Ang asawa ko po, kailangan pang manatili ng 2-3 araw para sa isa pang test.

Maraming-maraming salamat sa inyong mga dasal (with prayers emoji).”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page