Solusyon sa pagkabaog ng kalalakihan
- Shane Ludovice
- Apr 20, 2020
- 2 min read

Dear Doc. Shane,
Ako ay 57 years old biyudo at nakapangasawang muli ng mas bata sa akin. Pero ang problema, hanggang ngayon ay wala pa kaming anak. Naisip ko na baka dahil sa edad ko kaya hindi kami makabuo ng misis ko. – Alfred
Sagot
Ang pakabaog ng lalaki o male infertility ay ang kawalan ng kakayahang makabuntis. Ang pagkabaog sa lalaki ay karaniwang dahil sa mga problema sa semilya nito.
Ang mga sanhi nito ay hinanati sa tatlo:
Pre-testicular causes. Ito ay problema sa katawan na nakaaapekto sa paggawa ng semilya at pagpapagana ng mga sexual organ ng kalalakihan o male reproductive tract.
Testicular causes. Ito ay problema sa mga itlog o testes na siyang gumagawa ng semilya o semen.
Post-testicular causes. Ito ay problema sa daluyan ng semilya mula sa mga itlog hanggang sa pagpapalabas o pagpapaputok nito patungo sa puwerta ng babae.
Ang gamot sa pagkabaog ng lalaki ay depende sa sanhi ng pagkabaog. Unang-una, dapat matiyak rin na ang babae ay hindi baog upang masiguradong ang lalaki ang sanhi ng hindi pagkakaroon ng anak ng mag-asawa.
Kung pre-testicular ang dahilan ng pagkabaog, maaaring ang solusyon ay sa pamamagitan ng mga gamot tulad ng hormone therapy at iba pa. Kapag testicular causes naman, maaaring ang solusyon ay ang In Vitro Fertilization o IVF. Ito ay proseso kung saan kinukuha ang sperm cell ng lalaki at egg cell ng babae at ito ay pinag-uugnay sa isang espesyal na pinggan na kung tawagin ay “petri dish”. Kapag napag-ugnay na ang dalawa para bumuo ng “embryo”, ito ay itinatanim sa bahay-bata ng babae at ang “embryo” ang magiging sanggol. Kung “post-testicular” naman ang dahilan, maaaring surgery o operasyon ang soluyson. Puwede ring In Vitro Fertilization (IVF) tulad ng ipinaliwanag sa itaas.
Sa impotence naman o kawalan ng kakayanang patigasin o panatilihing matigas ang ari ng lalaki, maaaring psychological counseling ang solusyon; maari ring gamot tulad ng sildenafil (Viagra).
Ano ang mga dapat iwasan?
Iwasan ang paninigarilyo sapagkat ito ay nakakasira ng sperm cells.
Iwasan ang pag-inom ng alak at paggamit ng bawal na gamot tulad ng marijuana at iba pa.
Iwasang mainitan ang bayag.
Ang madalas na pakikipagtalik – araw-araw o higit pa ay maaaring makapagpababa ng bilang ng sperm cells sa lalaki kaya maghinay-hinay kung gustong magkaanak.








Comments