top of page

Sen. Tito, ipinagsigawang yabang lang ng mga artista ang pagtulong, sinopla ng mga netizens

  • Erlinda Rapadas
  • Apr 20, 2020
  • 3 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Ai Ai, wais, tuloy ang kita kahit nasa bahay lang May fallback na ang Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas ngayong naka-lockdown ang Luzon at pinaiiral ang ECQ (enhanced community quarantine) dahil sa paglaganap ng COVID-19.

Pahinga muna ang mga kaganapan sa showbiz at walang teyping at shooting kaya naman si Ai Ai ay umisip ng kanyang puwedeng gawin na pagkakakitaan pa.

Tinutukan niya ang kanyang bakeshop business at may bago silang specialty ngayon, ang ube pandesal na big hit sa mga celebrities tulad ni dating QC Mayor Herbert Bautista, Ara Mina, Ogie Diaz, atbp. na bulk order o maramihan ang binili.

Lumalago ang negosyong Martina's Pastries ni Ai Ai at natutuwa siya na kumikita siya kahit nasa bahay lang at nalilibang pa sa pagbe-bake.

Hindi niya nararamdaman ang cabin fever (buryong) dahil sa pinagkakaabalahan niyang ube pandesal na mabentang-mabenta ngayon.

For sure, kahit ma-lift na ang lockdown, marami pa rin ang o-order ng kanyang ube pandesal.

***

IGAN, TO THE RESCUE SA MGA janitors, construction workers at SEKYU

HINDI ikinakaila ng broadcast journalist/TV host ng GMA-7 na si Arnold Clavio na galing siya sa mahirap na pamilya bago nabigyan ng break sa radyo at telebisyon.

Marami siyang trabahong pinasok upang mapag-aral ang sarili at makatulong sa kanyang pamilya.

Sikap, tiyaga, sipag at determinasyon ang kanyang puhunan upang maabot niya ang kanyang mga

pangarap kaya naman may soft spot sa puso ni Igan ang mga ordinaryong tao tulad ng mga janitors, security guards, construction workers, atbp..

Kaya ngayong may COVID-19 pandemic ay sila ang napili ni Arnold na bigyan ng ayuda.

May fundraising na isinagawa ang IGAN Foundation ni Arnold. Mamamahagi sila ng mga food packs, relief goods, atbp. basic commodities.

Regular na tumutulong ang IGAN Foundation kapag may mga kalamidad o krisis na nagaganap.

Dahil sa kanyang kredibilidad at integridad, maraming businessman ang nagtitiwala at nagbibigay ng sponsorship kapag may fundraising si Arnold.

Samantala, dahil nakababad sa paghahatid ng balita sa radyo at telebisyon, na-miss na niya ang paglalaro ng golf, ang kanyang paboritong sport.

***

SEN. TITO, IPINAGSIGAWANG YABANG LANG NG MGA ARTISTA ANG PAGTULONG, SINOPLA NG MGA NETIZENS

MARAMI ang hindi agree sa statement ni Sen. Tito Sotto na dapat daw sa mga celebrities na tumutulong at nagbibigay ng ayuda ay huwag nang i-post sa social media at ibuyangyang sa publiko ang kanilang ginagawa.

Mistulang pagyayabang na raw ito para lang masabing may naitulong sila sa mga health workers, frontliners at sa iba pang nangangailangan ng mga food packs at relief goods. Pabida raw at papansin ang ginagawang ito ng mga celebrities.

May mga nag-react na sa pahayag na ito ni Sen. Tito at may mga netizens na nagsabing kung hindi ipinost ng mga celebrities ang pamimigay nila ng ayuda, hindi rin kikilos at tutulong ang iba pang sektor upang tumulong sa mga nangangailangan.

*** HEART, TODO-HIRIT NA MAG-VITAMINS ANG MGA TAO, WA' NAMANG MABILI

BUKOD sa mga food packs at medical kits na ipinamimigay sa mga health workers at frontliners, may mga vitamins ding ibinibigay ang Kapuso actress na si Heart Evangelista upang makatulong na mapanatili ang malakas na immune system ng mga taong nasa labas at tumutulong na mailigtas ang mga COVID-19 patients.

Pati ang mga ordinaryong mamamayan ay dapat din daw na mag-vitamins upang hindi magkasakit.

Ang siste, 'yun daw ini-endorse na vitamins ni Heart ay wala na sa mga drugstores. Nagkakaubusan na at kahit marami pa ang gustong bumili ay wala nang supply.

*** ANGELIKA, PABOR SA MARTIAL LAW PARA MASAMPULAN ANG MGA PASAWAY

MARAMI ang nagpatotoo na isang masipag na barangay captain sa Malabon si Angelika Dela Cruz. Hands-on siya sa pagsu-supervise sa pagdi-distribute ng mga relief goods sa mga residente ng barangay na kanyang nasasakupan.

Tinitiyak niyang mabibigyan ang lahat ng nangangailangan kaya naman puring-puri siya ng kanyang mga kababayan sa Malabon.

'Yun nga lang, marami pa rin ang pasaway at ayaw sumunod sa protocol ng quarantine na huwag lalabas ng bahay kaya nang tinanong si Angelika kung pabor siya sa martial law, hindi siya nagdalawang-isip sa pag-yes.

***

GABBI AT KHALIL, NAKAKARAOS KAHIT SA SOCMED LANG

OKEY lang sa Kapuso star na si Gabbi Garcia na hindi sila nagkikita/nagkakasama ng boyfriend niyang si Khalil Ramos. May paraan naman daw upang mai-share nila sa isa't isa ang kanilang oras.

Nakakapag-date pa rin naman sina Gabbi at Khalil, virtual nga lang gamit ang modernong technology ngayon sa social media. Nagbi-video call at chat ang magkasintahan.

Hindi naging hadlang ang distansiya para maging sweet sila sa isa't isa. Nag-effort talaga si Khalil sa pagse-set ng virtual date nila ni Gabbi.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page