top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

‘Di makapili sa 2 manliligaw, gustong maka-sure kung sino ang masuwerteng makatuluyan

  • Maestro Honorio Ong
  • Apr 20, 2020
  • 2 min read

Dear Maestro,

May dalawang lalaking malapit sa aking puso at naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung sino sa kanilang dalawa ang mas karapat-dapat na makasama ko habambuhay, si Mr. Virgo na isinilang noong September 14, 1994 o si Mr. Taurus na isinilang noong May 3, 1993?

Gayundin, sino ang mas ka-compatible ko sa kanila at kung ako ay mag-aasawa na, kanino higit na uunlad at aasenso ang aking buhay kapag kami ay may pamilya na? January 5, 1994 ang birthday ko.

Umaasa,

Ms. Capricorn Talaba, Bacoor, Cavite

Dear Ms. Capricorn,

Ayon sa zodiac sign mong Capricorn, pareho mong ka-compatible ang zodiac sign na Virgo at Taurus ng dalawang lalaking malapit sa puso mo dahil kayong tatlo ay kapwa pinaghaharian ng iisang elemento at ito ay ang elementong earth o lupa. Ibig sabihin, kahit sino sa kanila ang sagutin mo, maging boyfriend o mapangasawa mo, okey na okey lang sa iyong kapalaran.

Dagdag pa rito, kung sa aspetong Numerology ang titingnan, higit na katugma ng birth date mong 5 ang birth date ding 14 o 5 (ang 14 ay 1+4=5) ni Mr. Virgo kung saan ang relasyon o pagsasama ng taong may birth date na 5 at 14 ay laging nagtatagumpay, maunlad, yumayaman at nagiging maligaya.

Kaya kung gusto mong yumaman at umunlad sa panahong may asawa ka na, si Mr. Virgo na may birthday na September 14, 1994 ang dapat mong piliin na maging boyfriend hanggang sa tuluyang mapangasawa.

Sapagkat sigurado na ang magaganap, sa piling ng lalaking Virgo na may birth date na 14 o 5, sa destiny number na 1 (9+14+1994=2017/ 20+17=37/ 3+7=10/ 1+0=1), uunlad at yayaman ka at habambuhay na magiging maligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page