top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Harutan nina Bea at John Lloyd sa socmed, bentang-benta sa netizens

  • Julie Bonifacio
  • Apr 19, 2020
  • 3 min read

Sinaluduhan si Bea Alonzo ng mga momshies ng Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Karla Estrada dahil sa mga ginagawa niyang pagtulong sa ating mga kababayan especially, sa mga frontliners.

Isa si Bea sa mga pinakaaktibo na naghahatid ng tulong sa mga medical health workers sa iba't ibang ospital sa Metro Manila kaya curious ang mga momshies ng Magandang Buhay na malaman kung saan at ano ang nag-inspire sa kanya sa ginagawa niyang pagtulong sa gitna ng COVID-19 pandemic.

"Uh, kasi, may kaibigan ako, si Rina Navarro. Dapat maglo-launch kami ng isang produkto, business partners kami, sana this year. Pero, since everybody is put on hold, naisip namin na isalang ang energy namin sa pagtulong sa community natin. So, napagdesisyunan namin na magtayo ng isang organization, 'yung I Am Hope organization na ang advocacy ay tulungan 'yung mga frontliners. And, napakasuwerte namin because after reaching out to our friends at ilang brands, in less than 24 hours, nakakuha agad kami ng response. Most of them really help," pahayag ni Bea.

Sa loob lamang ng wala pang dalawang linggo, may 12 institutions at 10 barangay na ang natulungan nila.

Siyempre, happy ang feeling ni Bea when she learned na marami ang na-inspire sa ginawa niya.

"Nakakatuwa kasi 'yung mga kaibigan ko, magkausap kami the night before. Tapos sabi nila, magbibigay din sila ng cookies. 'Yung iba naman, nagbigay ng cupcake."

Tinanong naman ni Momshie Karla si Bea kung ano ang pinakamalaking realization niya sa lahat-lahat ng pangyayaring naganap sa bansa.

"Na everything is temporary. Na hindi importante talaga sa panahon ngayon ang pera, 'yung materyal na bagay, 'yung fame. Ang nagma-matter talaga ngayon is 'yung how you care for humanity and how will you help each other out, 'di ba? It's very vital. At saka, ang para sa akin ngayon, there is no room for negativity. So, kung wala kang magandang sasabihin, tumahimik ka na lang. Hahaha!"

Kinumusta naman ni Momshie Melai ang lagay ng puso ni Bea ngayong naka-enhanced community quarantine ang Metro Manila. Baka raw kasi naka-lockdown pa rin ang puso ni Bea.

"'Yung mga tao na tinatawagan daw 'yung mga EX nila kasi lockdown. Hahaha!" sabi ni Melai.

Nagpapasalamat si Bea na hindi pa naman daw siya umabot sa ganoong point.

"Huwag naman. Hindi pa naman ako umabot doon. Busy pa naman ako ngayon. Okey pa naman ako ngayon," kasunod ang malakas na tawa ulit ni Bea.

Speaking of "ex", may isang lalaki sa buhay ni Bea noon ang nagparamdam sa kanyang Instagram account. Ito ay ang kanyang ex-screen partner na si John Lloyd Cruz.

Kinilig ang mga fans nina Bea at John Lloyd sa palitan nila ng comment sa social media.

Nag-umpisa ang "kulitan" nila sa comments section ng Instagram account ni Bea nu'ng i-like ni JLC ang isang lumang piktyur ng aktres sa kanyang social media account.

Last year pa in-upload ni Bea ang nasabing picture, buwan ng February.

"Huyyy @beaalonzo," comment ni JLC na may user ID na @dumpsitegallery.

Reply naman ni Bea, "@dumpsitegallery 2019 pa 'tong post ko, ah, bakit ka nagba-browse sa IG ko?"

Napindot lang daw ni JLC 'yun.

Sey naman ni Bea, "Sabi mo, eh."

Pagkatapos, nagpasaring si Bea kay JLC ng: "May nami-miss?"

Ngunit isang emoji na naka-zip mouth lang ang tugon ni JLC. Pero nagpatuloy pa rin si Bea sa pangungulit kay JLC.

"Halata, eh," reply pa ni Bea.

Nadagdagan pa ang usapan ng magkalabtim at natapos sa comment ni JLC na idi-DM na lang niya si Bea.

For sure, nabitin ang mga fans nina Bea at JLC sa "harutan" nila sa social media.

Ewan lang din kung nag-dialogue si Bea kay JLC ng "Ako na lang ulit" gaya ng linya niya sa movie nila na A Second Chance.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page