top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Siyam na preso na nagpositibo sa COVID-19, asikasuhin agad para walang mangyaring riot at jailbreak!

  • Pabs Hernandez III
  • Apr 18, 2020
  • 1 min read

HUWAG SISIHIN ANG MGA PINOY SA COVID-19 DAHIL SA CHINA NAGMULA ANG VIRUS—Sinisisi ni P-Duterte ang mga Pinoy na kaya tumataas bilang ng mga nagka-coronavirus sa bansa ay dahil pasaway ang mga ito. Labas nang labas ng bahay kahit may abiso ang gobyerno na mag-“stay at home”.

Mali na sisihin ni P-Duterte ang mga Pinoy sa pananalasa ng virus sa bansa kasi hindi naman ang mga ito ang nagpaumpisa ng salot na COVID-19, kundi ang mga Chinese, period!

◘◘◘

TOTAL LOCKDOWN, BALEWALA SA MGA NAGUGUTOM NA PINOY—Nagbanta si P-Duterte na kung hindi magkakaroon ng disiplina ang mga Pinoy na sumunod sa mga enhance community quarantine protocols ay posible siyang magdeklara ng mala-Martial Law na total lockdown.

Wala namang problema sa pagsunod kung susuportahan ng gobyerno sa pagkain ang mamamayan, pero kung hindi at pipiliin lang ang mga bibigyan ng ayuda, balewala pa rin ang mala-Martial Law na total lockdown kasi tiyak maglalabasan pa rin ang mga nagugutom para maghanap ng makakain, boom!

◘◘◘

GAMUTIN AGAD ANG MGA PRESONG NAGKA-COVID-19 PARA HINDI MAKAISIP NG RIOT O JAILBREAK—Kinumpirma ni BJMP spokesman, C/Insp. Xavier Solda na siyam na preso sa Quezon City Jail ang nagpositibo sa COVID-19.

Nakupo, dahil siksikan ang mga preso riyan ay huwag naman sanang mangyari na marami ang mahawa.

Dapat pangalagaan ngayon ng gobyerno ang kalusugan ng mga preso, dahil kapag naramdaman ng mga bilanggo na pinababayaan sila ng pamahalaan, baka pagmulan ‘yan ng riot at jailbreak, ‘kakatakot!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page