top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mystica, pinaulanan ng mura si P-Digong, natakot makulong, biglang DDS daw siya

  • Nitz Miralles
  • Apr 18, 2020
  • 4 min read

Nitz Miralles / Bida

Pagbati ng Spanish actor kay Lovi, bayad daw

May mga bitter sa greetings kay Lovi Po ng Spanish actor na si Enrique Arce na kasama sa cast ng Netflix hit series na Money Heist o La Casa de Papel. Kesyo, binayaran lang daw ng BF ni Lovi na si Monty Blencowe si Enrique Arce to greet Lovi gamit ang Cameo App. Ang app na ito ay puwedeng i-greet ang sinuman basta babayaran ang napiling celebrity to greet you.

Natameme ang mga bitter dahil may nagbanggit na ang owner ng Cameo App ay brother ng BF ni Lovi. Ibig sabihin, walang bayarang nangyari dahil free ang greetings ni Enrique kay Lovi.

Saka, hindi ba puwedeng maging happy na lang tayo para kay Lovi? Film and TV producer ang BF niya at based sa Los Angeles, California, kaya posibleng magkakilala sila ni Enrique Arce dahil pareho silang nasa entertainment world.

o-O-o

carla, ayaw paniwalaan ng mga netizens na naglalaba kahit may video pa

Tanong ng mga netizens na nakapanood ng IG Stories ni Carla Abellana, talaga bang siya ang naglalaba ng kanyang isinasampay na mga damit na puro white? Ang nakalagay pa sa caption, hindi pa niya tapos labhan ang mga de-kolor.

Anyway, sobrang kinilig ang TomCar fans ng mag-BF na Carla at Tom Rodriquez sa part ng vlog nila ng My Boyfriend Does My (GLAM) Makeup Challenge dahil habang mine-make-up-an ni Tom ang GF, bigla niya itong ni-lips-to-lips na ikinabigla ni Carla. May part pa na habang mine-make-up-an si

Carla, hinalikan din ni Tom ang balikat ng GF.

Hindi na tuloy sa make-up challenge na-focus ang attention ng TomCar fans at ng mga netizens dahil nag-abang na lang sila kung kailan uli hahalikan ni Tom ang GF.

Part one pa lang ng challenge ang naka-post sa You Tube vlog ni Tom, wala pa ang part na tapos na niyang make-up-an si Carla.

Walang make-up si Carla sa video at nakapambahay lang, pero ang ganda-ganda pa rin ng leading lady ng Love of My Life at ng airing ngayon sa GMA-7 na My Husband’s Lover.

Si Tom naman ay naka-t-shirt lang, pero litaw pa rin ang gandang lalaki. Iba talaga kapag beautiful people, naka-make-up o hindi, nakaayos o hindi, maganda at guwapo pa rin.

***

MYSTICA, PINAULANAN NG MURA SI P-DIGONG, NATAKOT MAKULONG, BIGLANG DDS DAW SIYA

Binawi pala ni Mystica ang galit na pahayag niya laban kay President Rodrigo Duterte at kasama na rin siguro sa binawi niya ay ang malutong niyang pagmumura laban sa pangulo.

Bale ba, ang lutong ng pagmumura ni Mystica sa pangulo at hinikayat pa niya ang mga supporters ni Vice-President Leni Robredo na magprotesta at labanan ang gobyerno ni Duterte.

Natakot yata si Mystica nang ipaalala sa kanya at basahin ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang nilalaman ng Section 6 ng Bayanihan Act na puwedeng gamitin para maparusahan siya.

Ayon pa kay Roque, may hangganan ang freedom of expression sa bansa lalo na ngayon na may national emergency.

Pero binawi na nga ni Mystica ang mga unang pahayag at humingi ng depensa kay Pres. Duterte at sa mga supporters nito. Sabi ni Mystica, supporter talaga siya ng pangulo at alam niyang may puso ito.

“Kung ako man ay nakapagmura, and I repeated it again, dahil sa parang ako rin ay isang anak ng isang ama, kasi from the start, itinuring ko na siyang ama."

***

Wala munang network war sa panahon ng Covid-19. Sama-sama at tulung-tulong muna pati ang mga taga-showbiz. In fact, nagsanib-puwersa ang mga komedyante na Kapamilya at Kapuso para tulungan ang mga frontliners na kailangan ng suporta.

Iisa ang layunin ng mga kasaping bumuo sa grupong Covidyante — ang cast ng Bubble Gang ng GMA-7 at Banana Sundae ng ABS-CBN na kinabibilangan din nina Herbert Bautista, Janno Gibbs, Dennis at Gene Padilla at Ogie Alcasid — ang makaisip ng mga gagawin para makatulong.

Kasama rin sa Covidyante si Vhong Navarro na nag-suggest ng challenge to show their support sa frontliners. Sina Janno at Jerald Napoles ang in-charge sa socmed account ng grupo. Si Ai Ai delas

Alas ang magbe-bake ng tinapay na ipamimigay sa different sectors.

Members din sina Joey Marquez, Randy Santiago, Paolo Contis, Gelli de Belen, Giselle Sanchez, Candy Pangilinan, Kim Molina, Ryan Bang at Michael V..

Inaasahan ang pakikiisa sa Covidyante ng iba pang komedyante na ang hashtag ng grupo ay #PunchlinersForFrontliners.

***

WILLIE, TULUY-TULOY ANG SHOW KAHIT MAY COVID-19

Napanood namin ang episode ng Tutok to Win kung saan hindi napigilan ni Willie Revillame na umiyak after watching the video na ipinakita ang mga ina at ama na hindi mayakap ang mga anak dahil sa Covid-19.

May video na para lang mayakap ng isang nurse at isang pulis ang kanilang mga anak, kinailangan munang balutin ng plastic ang buong katawan ng mga bata. Nakakadurog din ng puso ang mag-ama na hanggang sa bintana lang ang pagkikita at nagkawayan na lang.

Anyway, habang hindi pa puwedeng mag-live ang Wowowin, sa Tutok to Win muna napapanood si Willie at patuloy na nagpapasaya at namimigay ng papremyo sa mga lucky viewers.

Airing ang Tutok to Win sa official YouTube channel, Facebook page at Twitter daily bago mag-24-Oras sa GMA-7.

Sa penthouse ng kanyang Wil Tower ang pansamantalang studio ni Willie kung saan sumusunod sila ng members ng kanyang band sa social distancing, pagsusuot ng face mask at face shields at pagkuha ng media ID sa PCOO.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page