Derek, ayaw matulad ang anak sa mga celebs na puro TikTok lang ang alam
- Julie Bonifacio
- Apr 18, 2020
- 3 min read
Maymay, vlogger ang ipinalit kay Edward

Sa aura ni Maymay Entrata, obyus na naka-move on na ito sa hiwalayan nila ng on-and-off screen partner na si Edward Barber nu'ng mag-guest siya sa Kapamilya morning celebrity talk show na Magandang Buhay last Friday.
Si Maymay ang "regalo" ng mga momshies ng Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Karla Estrada sa vlogger na si Ian dahil sa sayang hatid niya sa ating mga kababayan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
In fairness, ang ganda ni Maymay nu'ng umapir siya sa Magandang Buhay na very, very light lang ang makeup. At damang-dama ng mga viewers ang mga tawa niya na may halong kilig habang kinakausap si Ian via live Zoom.
Kinikilig din kasi ang vlogger na si Ian Payabyab habang kinakausap si Maymay. Aminado si Ian na matagal na niyang crush si Maymay simula pa nu'ng lumabas ang Kapamilya star sa Pinoy Big Brother house noon.
Pinatitigil naman ni Maymay si Ian sa pagsabi na crush siya nito. Lumalaki raw kasi ang ulo niya.
"Saka, hindi ako sanay na may nagkaka-crush sa akin. Hahaha!"
Sabi naman ni Momshie Melai, hopeless romantic daw kasi si Ian. Kaya hiling niya ay i-share ni
Maymay kay Ian ang mga natutunan niya sa pag-ibig, so far.
"Okey lang 'yan. Nineteen ka pa lang. Marami pa tayong makikilala, Ian," payo ni Maymay.
Puna naman ni Momshie Karla kay Maymay, "Sabi ni Maymay, tayo."
"Ay, hindi! Marami ka pang makakasalamuha, makikilala, magiging kaibigan. Tapos, ibibigay sa 'yo ni Lord 'yung kung sino 'yung para sa 'yo. Ang dapat mo lang gawin is have faith. Always pray."
Dagdag pa ni Maymay, "Dapat talagang ipinagdarasal natin 'yung mga ganoon. Hindi basta-bastang ganoon ang ibibigay sa 'yo ni Lord, 'yung perfect talaga para sa 'yo, oo."
Anyway, kinumusta ni Momshie Karla si Maymay.
"Okey naman po, Momshie Karla," sagot ni Maymay.
Tinatawagan daw niya ang kanyang pamilya every week.
"Tapos, masayang-masaya po ako dahil sa Camiguin po, meron pong isa (COVID-19 patient) pero nakalipad na po sa Cagayan de Oro."
Nasa Japan naman daw ang ina ni Maymay.
"Thankful po ako dahil ang Mama ko, nasa province sila, tapos, walang positive doon. Yehey! Thank you, Lord," kuwento pa ni Maymay sa Magandang Buhay.
Nagpasalamat din ang mga momshies ng Magandang Buhay sa pagsama sa kanila ng mga televiewers sa loob ng apat na taon. Kaya naman ang hiling nila ay "Magandang Buhay 4 ALL!"
Sama-sama raw tayong lahat sa pag-abot nito soon!
***
Derek, ayaw matulad ang anak sa mga celebs na puro TikTok lang ang alam

Kapiling ng Kapuso star na si Derek Ramsay ang 16-year-old unico hijo niyang si Austin ngayong nasa enhanced community quarantine ang bansa. At dahil mukhang first time lang nagsama nang matagal-tagal ng mag-ama, this is Derek's chance na magturo ng mga life lessons sa kanyang anak.
Lumaki kasi si Austin sa piling ng estranged wife ni Derek na si Mary Christine Jolly sa Dubai.
Nakakabilib ang listahan ng mga life lessons na itinuturo ni Derek kay Austin gaya ng pagtitipid, pagtulong sa kapwa at pagpapasalamat sa biyayang meron siya. Pero ang nakakatuwa ay nu'ng sabihan ni Derek si Austin na kailangan niyang matutunan ang pagtulong sa kapwa at huwag lang
mag-TikTok.
Sa true lang, halos lahat na yata ng mga celebrities ay pinatulan na ang pagti-TikTok, eh. Ang dami-daming nahilig gumawa ng kani-kanilang video for TikTok.
Anyway, bukod sa pagtuturo sa kanyang anak ng mga life lessons ay busy din si Derek sa pagbibigay-ayuda sa ating mga frontliners.
Last April 12 ay sumama si Derek sa team ng ini-endorse niyang donut na nagdala ng merienda sa mga frontliners sa dalawang ospital.
Nagdala rin siya ng pagkain sa mga batang nakatira sa isang charitable institution malapit sa bahay niya sa Muntinlupa.
Mukhang mahilig talaga sa bata si Derek. At dahil binata na si Austin, for sure, gusto na rin ni Derek na magkaroon ulit ng baby na makakasama at maaalagaan niya hanggang sa lumaki.





Comments