Horoscope | Abril 18, 2020 (Sabado)
- Maestro Honorio Ong
- Apr 18, 2020
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Abril 18, 2020 (Sabado): Kakambal ng mga pakikibaka mo sa buhay ang mga tagumpay. Habang patuloy kang nakikipaglalaban, ang tagumpay ay mapasasaiyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit nasaan ka, dadalawin ka ng magandang kapalaran. Ibig sabihin, kahit nasa bahay ka o ibang lugar, ang mga suwerte ay didikit sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-red.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahalaga ang may plano. Pagkatapos ng pananatili sa bahay, dapat ay isa-isa mong ipatupad ang mga plano na nabuo mo sa nagdaang mga araw na hindi paglabas sa bahay. Masuwerteng kulay-brown.
GEMINI (May 21-June 20) - Kumukupas ang lahat ng bagay sa mundo. Pakupas na ang lakas ng sakit na nagpapahirap sa mga tao. Gayunman, isabuhay mo pa rin ang kalinisan nang may pag-iingat. Masuwerteng kulay-white.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong maliitin ang sarili mo. May mga humahanga sa magagandang katangian at naghahangad na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagkakaroon ang wala at ang mayroon ay nawawalan. Wala ka ba ngayon? Kung oo, tiyak na ikaw ay magkakaroon. Ito ang masayang balita ng iyong kapalaran kaya huwag ka nang malungkot. Masuwerteng kulay-yellow.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag na huwag kang magtitiwala sa mga bagong kaibigan na hindi mo talaga kakilala. Hindi sapat ang masayang kausap ang isang tao para masabing siya ay kailangan mo. Masuwerteng kulay-purple.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda, roon ka sasaya. Hindi tama na sakyan mo ang sinasabing kahit hindi maganda sa paningin ay puwede na itong mapasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Palakasin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pag-e-ehersisyo. Nananamlay ang tao kapag hindi gumagalaw ang kanyang katawan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makibahagi ka sa gumagawa ng paraan para hindi kumalat ang sakit na kinatatakutan ngayon. Ang sama-samang pagkilos ng mga tao ay may malaking maitutulong. Masuwerteng kulay-blue.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mo nang pansinin ang ayaw makiisa. Iinit lang ang ulo mo at kapag mainit ang ulo ng tao, humihina ang kanyang natural na depensa kaya mas maganda na kumalma ka lang. Masuwerteng kulay-black.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sumayaw at kumanta ka dahil ito ang pinakamabisang panlaban mo sa lungkot. Kapag gumagalaw ang katawan sa aliw ng masasayang musika, ang sakit ay hindi uubra. Masuwerteng kulay-violet.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumikha ka ng tula, awit at musika. Kaya mo itong gawin dahil ikaw ay likas na alagad ng sining. Kapag ginawa mo ito, papabor pa sa iyo ang utos ng mga awtoridad na manatili sa bahay. Masuwerteng kulay-peach.
![endif]--![endif]--




Comments